Chapter 18- Fake Bet

346 14 2
                                    

"We need him now! Kulang na kulang tayo sa doctor ngayon saka pa siya biglang nawala!" galit na sigaw ng kanilang senior physician.

Ilang araw nang hindi pumapasok sa trabaho si Trevour, ang huli ay noong may namatay siyang pasyente. Tila nawala siya sa sarili nang mga oras na iyon. Bumalik sa kaniyang alaala ang mga pangyayari tatlong taon na ang nakararaan.

Si Everette ay nagpumilit na magtrabaho kahit hindi pa rin maayos ang takbo ng puso at isipan niya. Nadagdagan pa nga ngayon na walang nakaaalam kung nasaan si Trevour.

Labis siyang nag-aalala dahil base sa obserbasyon niyaʼy hindi maganda ang lagay ng binata. May kakaiba rito habang nagtatrabaho, kinakailangan pa itong kabitan ng oxygen at tusukan ng tranquilizer upang kumalma. Para itong nag-pa-panic attack at anxiety noong huling makita niya ito.

Sa parehong araw na iyoʼy nagkataon na may nangyaring stampede sa concert ng isang sikat na banda. Maraming nasugatan at nasaktan, ang iba pa ngaʼy malubha ang lagay, ang iba ay nag-agaw buhay at ang pinaka malalang nangyari ngaʼy ang isang pasyente na babae. Si Doctor Trevour ang naka-assign sa nasabing pasyente at sa kasamaang palad ay nasawi ito. Nang mga oras na iyoʼy parang nawala sa sarili ang binata. Pagkarating pa lamang ng kanilang mga ambulansiya sakay ng mga pasyenteng kasama sa nasabing insidente ay labis na ang pagkataranta nito, na hindi tipikal o normal sa kaniya sapagkat kilala siya ni Everette at ng iba pa bilang mahinahon at propesyonal na doctor.

Hindi siya Psychiatrist, pero ayon sa kaniyang obserbasyon at mga bulong-bulungan ay posibleng dumaranas si Trevour ng PTSD o Post Traumatic Stress Disorder.

Ang post-traumatic stress disorder o PTSD ay isang karamdaman na may kinalaman sa ating utak na nabubuo sa taong nakaranas ng nakagugulat, nakatatakot, o mapanganib na pangyayari. Sa madaling salitaʼy iyong mga pangyayari na maaaring magdulot ng trauma, kaya naman hindi makatulog si Everette kaiisip at dahil na rin sa labis na pag-aalala. Gustong-gusto na niyang malaman ang dahilan kung bakit at kailan pa ito nagkaroon ng ganoon.

Nag-aalala rin siya para sa kalagayan nito kaya naman kumuha pa siya ng private investigator para mangalap ng impormasiyon tungkol sa lalaki at sa nakaraan nito. Alam niyang mali pero mapapanatag lang siya marahil kapag may nalaman na siya tungkol sa buhay ng lalaki, kung nasaan ito ngayon at kung maayos lamang ba ang lagay nito.

UWIAN nang magpasiya siyang puntahan ang lalaki sa condo unit nito, magbabakasakali siya na baka naroon na ito. Sana lang ay nandoon nga ang lalaki nang sa gayoʼy hindi na masyadong mag-alala si Everette.

Agad niyang minaneho ang kaniyang sasakyan. Hindi kalayuan ang condo ng lalaki sa ospital nila, pero dahil rush hour kaya inabot ng mahigit trenta minutos bago niya narating ang pakay na lugar.

"Good evening, maʼam!" nakangising bati ng elevator man na si Paolo, kung tama ang pagkakaalala niya sa pangalan nito. Ito ang lalaking inakala ni Everette na gustong humingi ng autograph niya, iyon palaʼy gusto lang nito sabihin na may tag pa pala ang dress na suot niya.

Hindi makakalimutan ni Everette ang pangyayaring iyon dahil isa iyong kahihiyan na lihim na lamang niyang tinatawanan sa tuwing maaalala niya.

"Good evening," she greeted back.

"69th floor po ba?" tanong nito sa kaniya.

"Yes please, thank you!" she answered on her sweetest voice and smile.

"Okay po, maʼam!" Pinindot ng lalaki ang mga numero sa button sabay ngiti sa kaniya.

Inabot lang ng ilang minuto bago nila narating ang nasabing palapag. Akmang lalabas na sana ng elevator ang dalaga nang iharang ni Paolo ang braso sa pintuan. Napaangat naman ng mga kilay si Everette.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now