Chapter 12-Indenial

320 9 1
                                    

"No, I am not in love with him. It was just an infatuation or I only see him as a challenge! Tama, ganoon nga!" Tumatango-tango pa siya habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Sige, Doc Vallejo . . . Paniwalain mo ang sarili mo," sabi ni Samantha na biglang sumulpot mula sa kung saan.

Tiningnan niya nang masama ang kaniyang co-intern bago napabuga ng hangin. "Mapapasa-kin ka rin, Trevour," bulong niya habang tinatanaw ito mula sa Nurse's Station na kausap ang ilang hospital staffs, halatang may gusto ang mga ito sa kaniya. Samantala, pangiti-ngiti naman ang lalaki sa kanila. Bagay na hindi nito magawa kapag siya ang kaharap.

Ilang araw na ang lumipas mula nang makituloy siya sa condo unit nito. Hindi talaga siya kumain nang gabing iyon at noong madaling araw at maayos na ang panahon ay kaagad siyang umalis sa condo nito. Hindi rin naman kasi siya nakatulog dahil sa mga sinabi ng kaniyang ate Everlyn sa kaniya.

Kaya naman pagkaayos ng panahon ay nagdesisyon siya na umalis na at nag-iwan na lamang siya ng note sa pinto ng guest room.

Ilang araw rin siyang nagkasakit dahil marahil sa pagkakabasa niya sa ulan kaya ilang araw rin niyang hindi nakita ang mukha ng guwapong doktor. Tapos ganito pa ang aabutan niyang senaryo, ang pakikipag ngitian nito sa ibang babae.

Hindi niya matanggap. Bukas pa ang balik niya sa trabaho dahil na rin sa kagustuhan ng kaniyang ama, ngunit hindi na niya matiis pa na hindi nasisilayan ang mukha ni Trevour kung kaya nagpunta siya ngayon sa ospital, ang malala ay naka-disguise pa talaga siya. Tanging si Samantha lang ang nakakaalam na pupunta siya ngayon sa ospital.

"Sis, oo nga pala, I have a tea!" tila na-e-excite na sabi nito.

Umirap siya. "Spill it, bitch."

"You wouldn't believe it! Like O to the M to the— "

"Just say it already or I will stitch your mouth," pagbabanta niya rito.

Napanguso si Samantha. "Ang bitch mo talaga. So, ito na nga! Doctor Castillejo is a widower!" bulalas nito na labis niyang ikinagulat.

Hinawakan niya sa pulso ang kaibigan at hinila ito papunta sa pantry. Pagkapasok sa loob ay agad niyang kinandado ang pinto.

"Are you sure about that?" nanlalaki ang mga mata na tanong niya habang hawak pa rin ito sa isang pulso gamit ang kanan niyang kamay, ang kaliwa naman ay nakahawak sa balikat nito.

"Of course! Sasabihin ko ba naman sa iyo nang walang basehan, bitch?" patanong na tugon nito sa kaniya dahilan para matahimik siya. Kasunod niyoʼy napuno ang isip niya ng kung anu-anong mga bagay at isipin.

He's nice to everyone but her, and now, knowing the fact the he's a widower just fueled the curiosity she has in her heart. Kuryosidad kung bakit ganoon ang pakikitungo nito sa kaniya. Halos itapon na nga niya ang sarili rito pero hindi nagbabago ang turing nito sa kaniya. Patuloy pa rin nitong ipinapakita at ipinaparamdan sa kaniya na hindi siya kagusto-gusto.

HINATAK ni Everette si Trevour papasok sa isang bakanteng kuwarto. Kanina pa niya inaabangan na dumaan ito kaya naman hindi siya nag-aksaya ng oras nang makita niya na naroon na ang lalaki.

Mula sa pintoʼy inilabas niya ang kaniyang mga braso at hinila papasok ng silid ang lalaki. At dahil hindi nito inaasahan iyon kaya mabilis niya itong naipasok sa loob.

Agad niya ring sinalubong ng maiinit na halik ang mga labi ng binata na ilang segundo lamang ay ginantihan nito. Namanhid ang puso niya sa isang napakasarap na pakiramdam.

Kung kaninaʼy may natitira pang hinanakit sa puso niya dahil sa nangyari sa condo unit nito, ngayon ay naglaho iyon lahat na parang bula. Ang nararamdaman na lamang niya sa mga oras na iyoʼy pagkasabik sa lalaki. At hindi pa rin niya maamin sa sarili kung bakit. Ayaw niyang aminin, dahil sa oras na gawin niya iyon ay parang tinanggap na rin niya ang pagkatalo sa isang laban na binuo niya at tanging siya lang ang nakaaalam.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now