Chapter 7

301 14 0
                                    

"Viral ngayon sa social media ang video ng isang magandang Doctor na si Dra. Maureen Everette Vallejo, anak ng isang sikat na Doctor at business tycoon na si Doctor Elvis Vallejo dahil sa isang video na nakuhanan ng isang netizen habang binibigyan nito ng first aid ang isang lalaki na nawalan ng malay sa gitna ng daan. Narito ang interview ng lalaki sa video. Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang nasabing doctor tungkol sa usaping ito," mahabang salaysay ng reporter sa telebisyon.

"Whoooo! Sikat na sikat ka pala, Doctora!" bulalas ng isa sa mga nurses.

"Hindi mo man lang nabanggit na anak ka pala ng may-ari ng ospital na ito!" ani naman ni Samantha, ang atribidang co-intern niya. Napairap siya dahil sigurado naman siya na alam na nito ang tungkol doon.

Umani ng iba't-ibang reaksiyon mula sa mga katrabaho, kapuwa intern, mga senior doctor at maging sa mga nurses ang balitang iyon. Nasa cafeteria sila ng ospital at kumakain ng tanghalian nang biglang ipakita sa pantanghaling balita ang tungkol sa viral video niya.

Hindi sana niya ibig ipagkalat o ipaalam pa sa iba na isa siya sa mga anak ng CEO ngunit dahil sa balitang iyoʼy hindi na tuloy lingid sa kaalaman ng lahat ang tungkol doon.

"Ang ganda mo talaga, Doctora!"

"I know right," bulong ng dalaga.

Mas lalong tumaas ang kumpiyansa niya sa sarili at paniniwala na maganda siya. Kagabi ay napuyat siya kababasa at katitingin ng comments tungkol sa viral video na iyon at halos lahat ay positibo ngunit may mangilan-ngilan din naman na hindi kaaya-aya tulad ng mga kalalakihan na nagpapantasya sa katawan at kagandahan niya. May ilan pa nga na makapal ang mukha na nagsasabing naikama na siya.

"She's my ex and all that I could say is she's so damn good at bed."

"No, she's no good in bed, man!"

Ipinagsawalang bahala na lamang iyon ng dalaga dahil alam naman niya na hindi niya hawak ang isip ng mga tao. Nainis lang siya nang husto sa mga babaeng nagsabi na mas maganda 'di umano sila kaysa sa kaniya.

Ini-stalk pa nga niya ang mga iyon at napairap na lamang siya nang makita ang mga itsura nila.

Habang nakakatanggap ng iba't-ibang papuri at reaksiyon mula sa mga katrabaho ay bigla namang napadapo ang kaniyang paningin sa puwesto kung saan nakaupo si Trevour. Patuloy lamang ito sa pagkain at tila wala na namang pakialam sa paligid, lalo na sa kaniya.

Nagpuyos ang kalooban niya kaya naman noong nakita niya itong tumayo at lumabas ng canteen ay dali-dali niya itong sinundan.

Naabutan niya ito sa washing area na naghuhugas ng kamay. Tumabi siya sa lalaki at sinulyapan pa ito mula sa salamin na nasa kanilang harapan.

"So, have you heard the news?" tanong niya rito.

"What news?"

"About you know, the viral video . . . ." she answered.

"I don't know about that, and maybe I don't care." Kumuha ito ng tissue paper at sinimulang tuyuin ang mga kamay.

"Look at me, Trev." She held his chin and catch his eyes.

"It's Doctor Trevour Castillejo, don't be too formal with me," malamig nitong turan. Hinuli nito ang kaniyang pulsuhan na nakahawak sa baba nito at inalis iyon sabay iwas ng tingin.

"You're challenging me, Trevour, really," she whispered on his face.

"Am I?" malamig at tila walang pakialam nitong tanong.

"Yes!"

"So I am a kind of a game to you, huh?" Napataas ang isa niyang kilay sa tanong nito.

"Bakit? Ano ngayon sa iyo kung ganoon nga?"

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now