Chapter 15

363 13 0
                                    

Panay ang buntong hininga nilang dalawa habang umaasam na sanaʼy masulyapan man lang sila pabalik ng lalaking nagugustuhan nila.

Hindi na namalayan ni Everette na napaparami na pala ang inom niya. Ngayoʼy tutok na tutok siya sa baso ng alak na nasa kaniyang kamay, pagkuwaʼy muling sumulyap ang mga namumungay niyang mata kay Trevour na hindi na yata maubusan ng kasama. Lalo na ng mga babae na kung makalingkis ditoʼy parang sawa.

Pagsulyap niya sa lalaki ay sakto naman na nakatingin din pala ito sa kaniya. Nawala ang ngiti nito nang makita ang nakasimangot niyang mukha. Umirap si Everette rito sabay tayo.

Sakto naman na hinila siya ni Samantha papunta sa dance floor. Nakakaramdam man ng hilo ay nagpahila na lamang si Everette sa kaibigan niya.

Sobrang sama kasi ng loob niya. Alam niya naman na wala siyang karapatan na makaramdam ng ganoon pero kanina pa niya hinihintay na tingnan man lang siya ni Trevour ngunit masyado itong abala sa ibang tao.

She started to sexy dance, her headʼs up and her eyes were closed. May pagkakataon pa na itinataas niya ang kaniyang mga kamay sa ere. Halos hindi na niya alam ang ginagawa niya nang walang anu-anoʼy may naramdaman siyang isang mapangahas na kamay na humawak sa kaniyang tagiliran.

Kung wala ang espiritu ng alak sa katawan niya, malamang ay nasampal na niya ang pangahas na nilalang. Pero iba ngayon na lasing siya at masama pa ang loob kay Trevour.

Idinilat niya ang kaniyang mga mata at tumambad sa kaniya ang isang guwapoʼt matangkad na nilalang.

"Hi!" nabasa niya na sinabi nito sa kabila ng mapupungay na niyang mga mata.

Masyadong malakas ang background music nila. "Oh, hi!" sagot niya sa lalaki.

"Iʼm Trevor, how about you?" sabi nito na inilapit pa ang bibig sa tainga niya dahil nga malakas ang music.

"Your name is that?! Donʼt tell me you are Trevour as in T-R-E-V-O-U and R?!" hindi makapaniwalang gilalas niya.

"No, darling... Erase the U, itʼs T-R-E-V-O-R," paglilinaw nito.

"But still sounds like Trevour!" pagsusungit niya rito.

"Oh, babe, donʼt be too hard to get. Why donʼt you just have fun with me?" mapang-akit nitong tanong sa kaniya sabay lapat ng kamay sa kaniyang likod at agad iyong dumausdos pababa sa kaniyang puwetan, bahagya pang pumisil doon dahilan para mapaigtad si Everette.

"How dare—" Hindi na natapos pa ni Everette ang kaniyang sasabihin dahil sa sumunod na pangyayari.

Namalayan na lamang niya na nakaupo na sa sahig ang manyak na may pangalang Trevor. Ang dahilan? Sinuntok lang naman ito ni Trevour. Kasunod niyoʼy ang tilian ng mga babaeng naroon din sa dance floor.

Tumayo ang manyak at akmang gagantihan ng suntok si Trevour pero agad niya itong naunahan, sinipa niya ang manyak dahilan para muli itong mapaupo sa sahig.

Tumigil ang background music at pumaibabaw ang bulungan ng mga tao. Kasunod niyon ay ang pagdating ng dalawang bouncer na sobrang laki ng pangangatawan. Hinawakan nila si Trevour at ang manyak sa magkabilang braso upang pigilan sa ano mang binabalak gawin.

"Trev, stop!" halos walang lakas na sabi ni Everette nang akmang lalapitan pa ulit nito ang lalaking nambastos sa kaniya. Walang kahirap-hirap itong nakawala sa pagkakahawak ng bouncer.

"Whatʼs your problem, man?!" asik ng manyak na ngayoʼy nakatayo na pala ulit at nakahawak ang isang kamay sa sikmura. Sa tabi niyaʼy ang isa pang bouncer na hinaharangan ito gamit ang isang braso.

"Youʼre f*cking asking that d*mn question after touching whatʼs mine?!" mariing tanong nito sa lalaki.

"Relax, okay? Relax! I donʼt know that she has a boyfriend. Besides, sheʼs already drunk and say sheʼs single and even offered me to have fun with her, so . . ." The man shrugged.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now