Chapter 9- First Step of Captivating

307 11 6
                                    

"I'm sick, Doc . . . ." maarte niyang daing kay Trevour.

"You look totally fine. Go and mind your patients," malamig na sagot nito.

"I thought you're a good doctor, but what now? A patient is in front of you, but didn't bother to atleast check?"

Bumuntong hininga ang lalaki. "Anong nararamdaman mo?" tanong nito.

"Masakit dito," daing niya habang tinuturo ang parte ng kaniyang puso.

"Okay, let me check you, then." Pahinamad na tumayo itoʼt lumapit sa kaniya upang i-eksamin ang kaniyang heart beat.

Inilagay nito sa tainga ang earpieces ng stethoscope at itinapat ang chest piece sa parte ng kaniyang dibdib.

At habang ginagawa iyon ng binatang doktor ay titig na titig naman si Everette sa mukha nito, tila nahihipnotismo sa angking kaguwapuhan at kakisigan ng lalaki. Ilang segundo lang ang lumipas ay nakahanap na ng tamang tiyempo ang dalaga para sa totoong pakay niya.

Na bihagin ang lalaki.

Hinawakan niya ang kamay nito na may hawak sa chest piece dahilan para mapatingin din ito sa kaniya at masalubong ang malagkit at mapang-akit niyang mga mata. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi habang ang kamay niyaʼy ginagabayan ang kamay nitong may hawak na aparato.

Sinasadya niyang paglakbayin ang kamay nito at mga daliri sa kaniyang dibdib sa paraang sensuwal, marahan at kaakit-akit, bagay na kailan maʼy hindi niya ginawa sa kahit na sinong lalaki.

Nagsitayuan ang halos lahat ng buhok niya sa katawan dahil sa sensasyong dulot nang paglapat ng malahiningang init ng palad nito sa kaniyang dibdib na bagama't natatakpan ng suot niyang scrub suit ay ramdam na ramdam pa rin niya.

Desperada na nga siguro siya at hindi matanggap na may kaisa-isang tao siyang nakilala na ayaw sa kaniya. Na ipinaramdam sa kaniya na hindi siya maganda, o walang kahanga-hanga sa kaniyang pagkatao. Tanging ito lang, si Trevour lang ang gumawa at nagparamdam sa kaniya ng mga bagay na iyon kaya naman hindi niya masisi ang sarili kung bakit ganito siya kadesperada ngayon.

"How's my heart beat, Doc? Is it fine? Can you hear your name there?" she asked seductively.

Trevour cleared his throat and pull his self away and so as takes back his hand from her grip.

"There's nothing wrong with your heart beat and your heart seems totally fine, but I would prescribe some vitamins to keep you healthy and fit for your daily works," ani nito na marahil ay nahulaan na agad na nagsisinungaling lamang siya nang sabihing masakit ang parte ng kaniyang puso.

"I don't think I would be needing some vitamins, Doc. Your attention is enough vitamins for my body to become healthy and fit," tugon niya.

"Enough, you're obviously wasting my time here," nauubusan ng pasensiya na sabi nito.

"But when the time comes that I get sick, I want you to be my doctor. Your romance would be my medicine while your sperm will serve as my vitamins," sabi niya kay Trevour sa paraang kaakit-akit.

"You're completely insane, woman. Go and find men to scrub your itching body," pang-iinsulto nito sa kaniya.

"How dare you!? Ganiyan ba talaga kababa ang tingin mo sa akin?!" she asked exasperately.

"Do you wanna hear my answer? It's yes. Ganoon nga kababa ang tingin ko sa 'yo. How could a sensible woman seduce a married man?" tanong nito sa kaniya dahilan upang bumagsak ang panga niya kasabay nang panlalaki ng kaniyang mga mata.

"You are what?!" she asked in surprise and disbelief.

Hinagilap niya ang kamay ng lalaki at nakita ng dalawa niyang mata ang isang singsing na nakasuot sa daliri  nito.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now