Chapter 11- A little step closer

306 12 1
                                    

"Come in," sabi ni Trevour pagkabukas ng pinto ng unit nito.

Ngayon lang niya nalaman na sa condo pala ito naglalagi. Ilang minutong driving lang mula sa ospital pero dahil naipit sila sa trapiko at pumunta pa sila sa hotel ay inabot sila ng mahigit isang oras.

Unfortunately to Trevour and lucky her, ang hotel na pinuntahan nila ay walang bakanteng kuwarto kaya no choice kundi ang patuluyin siya ni Trevour sa unit nito.

May kalayuan kasi ang Hacienda Vallejo sa bayan kung saan naroon ang kanilang ospital at delikado kung susuong sila sa bagyo para lang makauwi siya. Nag-alala tuloy siya bigla sa kalagayan ng kaniyang daddy at kuya Levin.

"Thanks, Trev!" nakangiting sagot niya sa lalaki.

Basang-basa sila dahil sa pagsuong sa malakas na ulan kanina no'ng papasok sila ng Hotel lobby.

Walang binatbat ang payong sa lakas ng ulan at hangin. But despite the situation, Everette still find it romantic.

Pakiramdam niyaʼy unti-unti na siyang nakakapasok sa buhay ng binata.

"You can use the guest room for a while,"

"Ahm . . . errr, can you lend me some of your clothes so that I have something to wear?"

"Stay there, I'll hand you some," Trevour said before turning his back on her.

"Okay, thanks!" she answered.
Doon pa lamang niya nagawang pagmasdan nang mabuti ang disenyo ng condo unit ng binatang doctor. Ang kulay at pigmento ng mga gamit ay naglalaro sa puti, krema, itim at abo lamang.

May second floor at napakalawak ng living room sa ibaba kung saan siya nakatayo ngayon. Hindi niya magawang umupo dahil basa ang kaniyang suot. Nag-aalala siya na baka marumihan at mabasa ang couch.

Samantala, hindi naman masyadong nagtagal si Trevour sa silid nito dahil kaagad itong lumabas at inabot sa kaniya ang pambabaeng sleep wear dahilan para mangunot ang noo ni Everette nang husto.

"Excuse me? Isa ba sa mga babae mo ang may-ari nito? Do you think I will wear that? Really, Trev?" Nandidiri niyang tiningnan ang mga telang nasa kamay ni Trevour.

"No, these were still new. I bought them . . . For my wife," pahina nang pahina ang boses na sagot ng binata.

Naghugis 'O' ang bibig ni Everette dahil sa narinig.

"If you don't mind, nasaan na siya ngayon? Did you two got divorced?" alanganing tanong niya.

"You don't need to know. Take these already and make yourself comfortable," inilapit nito ang mga damit sa kaniya kaya napilitan siyang kuhanin ang mga iyon. "I'll call you for dinner," malamig na dugtong nito at 'agad siyang tinalikuran upang pumunta sa sariling kuwarto.

Napatingin na lamang si Everette sa sleep wear na ngayoʼy nasa mga kamay na niya. May kasama iyong underwear ngunit hindi niya alam kung sukat ba sa kaniya.

Napabuntong hininga siya bago nagpasyang pumunta na sa guess room para mag-shower.

PAKANTA-KANTA pa si Everette habang tinutuyo ang sariling buhok gamit ang hair blower. Pinagmasdan niya ang sarili mula sa vanity mirror at bahagyang napangiti.

'Atleast it suits my taste...' naisip niya habang sinisipat ang kaniyang kabuuan suot ang pink satin terno pajamas na nasisiguro niyang latest design ng isang sikat na brand. Hindi nga lang niya nasuot ang bra dahil masikip sa kaniya, tanging panty lamang ang napakinabangan niya.

Hindi na lamang siya nagsuot ng bra tutal gusto rin naman niyang akitin si Trevour ngayong gabi. Kanina habang naliligo siya ay kung anu-anong maiinit na tagpo sa pagitan nila ng lalaki ang nabuo sa imahinasyon niya.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now