Chapter 8- Silly moves

350 12 0
                                    

"My gosh, napakaguwapong creature!" pairit na sambit ni Samantha dahilan para mapairap si Everette.

'Guwapo nga, ubod naman ng manyakʼ

Isa pa sa kinaiinisan niya ay ang sinabi sa kaniya ni Trevour, pakiramdam nga niyaʼy nabastos siya noong isang araw ngunit inakala pa yata ng supladong Doctor na nakikipaglandian siya sa kamag-anak ng pasyente sa oras ng trabaho.

Flashback.

Tumayo si Everette at sinundan ng tingin ang batang si Abby na mabilis nakatakas sa mga kamay niya para puntahan ang isang napakaguwapong lalaki na ngayon ay nasa harapan niya at karga ang bata. Nakasuot ito ng puting uniporme na sa hinuha niyaʼy uniporme ng mga piloto ng eroplano.

"Doctora ganda, meet my kuya pilot!" masiglang sabi ni Abby sa kaniya, bumaba pa ito mula sa pagkakakarga sa kaniya ng kapatid at hinawakan sila sa tig-isang kamay upang paghawakin iyon.

"Say nice to meet you to Doc Ganda, Kuya Harris," utos pa nito sa kapatid.

"Hi, nice to meet you, Doctora ganda..." Pinisil nito ang kaniyang palad.

"Doctora Ganda, nice to meet you raw po sabi ng kuya ko," nakangiting baling sa kaniya ng batang si Abby.

Everette cleared her throat and forced herself to smile a bit and become formal.

"It's nice to meet Abby's family. Can I talk to you about some important matter? Abby, go with your friends first and share these treats with them." Mula sa bulsa ng kaniyang suot na pediatric scrub suit ay kinuha niya ang mga lollipop at inabot sa bata.

"Thank you, Doc Ganda! Bye Kuya Harris! Please be nice and gentle with my Doctor!" sabi nito bago nagtatakbo papunta sa play room. Sinundan niya ng tingin ang bata hanggang sa mawala na ito sa kaniyang paningin.

Paglingon niya sa kinatatayuan kanina ni Harris ay ganoon na lamang ang kaniyang gulat nang bigla ay nasa mismong harapan na niya ito, halos magdikit na ang kanilang mga katawan dahilan para mapaurong siya palayo.

But what happened next shocked her. Nawalan siya ng balanse at maagap naman siyang nasalo ng lalaki sa kaniyang likod habang ang kaniyang katawaʼy nakaliyad at ito naman ay nakayuko sa kaniya.

Daig pa nila ang nagsayaw ng tanggo dahil sa posisyon nila.

Ngunit ganoon na lamang ang inis niya nang makita kung gaano kalagkit at kahalay ang tingin sa kaniya ng lalaki mula sa kaniyang mukha pababa sa kaniyang dibdib at pabalik sa kaniyang mga labi!

Doon naman saktong dumating si Trevour at naabutan sila sa ganoong posisyon. Kasabay nang paglingon niya sa supladong doctor ay ang siya namang paglapit ni Harris ng bibig sa tainga niya.

"I got you," bulong nito sa kaniya na ikinakilabot niya.

Samantala, nakarinig naman siya ng hindi magandang salita mula kay Trevour dahil nga inakala nito na nakikipaglandian lang siya sa oras ng trabaho imbes na asikasuhin ang mga batang pasyente.

End of flashback.

"Mainit pa rin ang ulo mo, Doctora Ganda?" tanong ni Samantha sa kaniya matapos siyang makita na nakasimangot.

"Right, maganda ako . . . ." Tumango siya habang nanliliit ang mga mata sa kinaroroonan ni Trevour. Hindi man lang niya pinagtuunan ng pansin ang tanong sa kaniya.

Sinundan naman ni Samantha ang tinitingnan niya. "Isa pang guwapo at yummy creature!"

"Stop!" Tiningnan niya nang masama ang babae.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now