Chapter 14

343 11 0
                                    

"Iʼm in love! Yes, Iʼm finally in love! Oh, my gosh!!!!" Sa wakas ay nakuha niyang aminin iyon sa sarili.

Nagtitiliʼt nagpapadiyak siya sa kaniyang higaan.

Para siyang tinakasan ng bait dahil sa lapad ng kaniyang pagkakangiti ngayon habang inaalala ang mga sinabi ni Trevour. Ilang araw na ang lumipas ngunit sariwang-sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang bawat salitang sinabi nito sa kaniya noong gabing iyon nang ihatid siya nito sa kanilang mansion.

Kinabukasan, matapos ang insidente na iyoʼy hindi naman siya nabigo dahil tinupad ni Trevour ang mga ipinangako nito sa kaniya. Sa tuwing magkakasalubong silaʼy ngumingiti na ito at tumatango sa kaniya . Madalas pa ngaʼy nakakasabay niya itong kumain sa cafeteria.

The rude and nasty Trevour was gone. Tila ibang tao na ito ngayon sa harap niya. At ang ikinatataba pa nga ng puso niya ay ang extra closeness nilang dalawa. Alam niya sa sariling may kakaiba nang namumuo sa pagitan nilang dalawa. Ramdam niya, sigurado siya na kaunti na lang ay bibigay na rin ito sa kaniya!

Araw-araw nga ring tinutukso silang dalawa ng kanilang mga kasamahan sa trabaho at sa halip naman na mapikon ay kinikilig pa siya.

Sa mga naisip ay mabilis siyang naghanda papasok sa trabaho ngunit siniguro niya na magandang-maganda siyaʼt napakabango.

"Good morning, Mom!" she greeted and kissed her mother.

"Good morning, Hija, ang ganda-ganda talaga!"

"At ang bango-bango pa!" segunda naman ni Manang Lupe.

"Eh, kanino ba naman ako magmamana? Siyempre sa mommy ko na mas maganda!" ganting pambobola niya sa ina.

Well, she's not lying when she said that her mother was more beautiful than her. Para sa kaniya kasiʼy mas maganda talaga ito, pinakamagandang mommy sa buong mundo!

Pagkatapos saluhan ang kaniyang ina sa hapag ay mabilis siyang pumanaog sa kaniyang silid upang magsipilyo at mag-mouth wash.

"Be careful, hija, baka naman madapa o madulas ka niyan sa sobrang pagmamadali mo," paalala ng mommy niya na bahagya lamang siyang nilingon dahil abala ito sa kung anong nakikita sa magazine na hawak.

Her mom looks sophisticated on her posture. Bahagyang nakahilig ang kanang braso nito sa arm rest ng kanilang malaki at mamahaling sofa while her legs were crossed.

Nilapitan ni Everette ang mommy niyaʼt humalik sa pisngi nito.

"I gotta go, Mom!" paalam niya.

Sa kanilang tatlo ng kuya Levin at daddy niya ay siya ang pinakahuling umaalis parati upang pumasok sa trabaho. Hindi rin naman masama sapagkaʼt babae siya at kinakailangan ng mas maraming oras sa pag-aayos ng sarili.

Hindi rin naman nagpapabaya ang dalaga, never siyang na-late sa kaniyang trabaho.

"Sasama ka ba mamaya?" tanong ni Samantha sa kaniya nang dumating ang lunch time.

"Of course! Isa paʼy kasama rin tayo sa pa-welcome party na 'yon. Remember na hindi natuloy ang party para sa atin last time due to emergencies?"

"Oo nga pala! Pero kahit naman hindi para sa atin ang party na iyon ay sasama pa rin ako. How about you?"

"Kung kasama ba si Doctor Trevour, eh, why not?"

"I knew it! Hulog na hulog na ba talaga, girl?" nanunudyong tanong nito na sinagot lamang niya ng isang ngiti na kusang kumurba sa kaniyang mga labi.

"No wonder why you look so blooming now. Mas lalo kang gumanda at . . ." suminghot-singhot ito sa harap niya. "ang bango-bango pa!"

"Wala akong barya, Sam, magtigil ka riyan!"

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now