Chapter 19 Edited Version

393 12 6
                                    

"No sheʼs still alive! My wife is not dead!"

"I am very sorry. Ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya, pero hindi namin naisalba ang buhay niya."

"Nagkakamali kayo! She is still alive!" Tinabig niya ang doctor na naka-assign sa kaniyang asawa at pabalyang binuksan ang pinto ng operating room kung saan naroon ang babaeng mahal niya.

"Wake up please, love!" He started reviving the body of his beloved wife. He did everything he could, but didnʼt able to save her. Or maybe heʼs just too late.

Galing pa kasi siya mula sa isang outreach program sa Batangas nang makatanggap siya ng tawag mula sa ospital. Walang pagdadalawang isip, agad siyang bumiyahe pabalik ng Maynila upang puntahan ang kaniyang mahal na asawa.

Pero huli na ang lahat . . . Dead on arrival daw ito nang dalhin sa ospital. Kung sana ay hindi siya nag-volunteer na sumama sa outreach program na iyon. Kung sana ay hindi niya hinayaan ang kaniyang asawa na sumunod sa kaniya sa Batangas para makapag-celebrate sila ng wedding anniversary. At kung sana ay nakarating siya nang mas maaga sa ospital. Siguro ay buhay pa ngayon ang babaeng mahal niya.

"Allison . . . ." lumuluhang sambit niya sa pangalan nito. Lasing na lasing siya at namumugto ang mga mata habang yakap ang picture frame na pinaglalagyan ng larawan nilang mag-asawa.

Ito ang unang babae na minahal niya, mga bata pa lamang sila nang mangako sila ng kasal sa isaʼt isa. Lumaki sila nang magkasama, bawat minuto, oras at mga araw na kasama niya ito ay naging napakasaya niya, nilang dalawa.

May mga tampuhan man, pero hindi niyon mapapantayan ang magagandang pangyayari kahit noong bilang magkaibigan at magkababata pa lamang sila.

Pero siguro nga ay hanggang doon na lang talaga ang istorya nilang dalawa. Kumbaga sa aklat ay narating na nila ang huling kabanata, ang huling pahina . . . ngunit hindi pa rin siya handang isarado ang libro ng kanilang kuwento. Kung maaari nga lamang iyong madugtungan ng kahit isang kapitulo pa, marahil ay ginawa na niya ang lahat para doon.

Totoo nga na sa pag-ibig, hindi palaging puro saya. Hindi habang-buhay ang kaligayahan. Dahil kung minsan, may mga dumarating sa atin upang pasayahin tayo, pero sa huli ay babawiin din pala sa atin. Katulad ng asawa niya, ibinigay ito sa kaniya ngunit sa huli, kung kailan masayang-masaya sila at walang iniisip na problema ay saka pa ito kinuha sa kaniya.

Sinisisi niya ang sarili sa lahat ng nangyari. Doctor siya, pero bakit hindi niya nailigtas ang buhay ng kaniyang asawa?

ISANG tawag ang gumising kay Everette isang umaga. Pagkakitang mula iyonsa kaniyang kinuhang private investigator ay bigla siyang napabangon at sa nanginginig na mga kamay ay sinagot niya ang tawag nito.

Hindi naman naging matagal ang kanilang pag-uusap. Sinabi lang nito na isesend sa kaniya through e-mail ang mga nakalap na impormasyon tungkol kay Trevour kaya dali-dali niyang kinuha ang laptop upang i-check ang Gmail niya at hanapin ang nasabing e-mail mula sa private investigator.

At nang makita niya ang laman niyon ay bigla siyang may naalala dahilan upang magbalik ang isip niya sa nakaraan, tatlong taon na ang nakalilipas.

"YAH!" sigaw niya kasabay nang mahinang pagpalo sa kabayong sinasakyan niya na si Adonis.

Naging mabilis ang takbo nito at napapikit na lamang siya nang maramdaman ang mas malakas na hampas ng hangin sa kaniyang mukha.

Stressed kasi siya sa kursong pinag-aaralan dahil hindi naman talaga iyon ang gusto niyang kuhanin sa kolehiyo. Pero dahil mahal na mahal niya ang kaniyang mga magulang kaya tinupad niya ang gusto ng mga ito. Nag-enjoy na rin naman siya kahit papaano at natutunan na rin niyang mahalin at pahalagahan ang pagdodoktor. May mga panahon o oras lang talaga na nanghihinayang pa rin siya at napapaisip kung mas masaya ba siya kapag ang course niya ay ang pangarap niya talaga.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now