Chapter 5

355 14 0
                                    

“Good morning, Doc. Aga po natin ngayon, ah?” bati ng guwardiya sa kaniya isang umaga. Napansin din nito ang suot niya na formal attire at sa kaniyang braso ay nakasabit ang isang white coat.

“Good morning, Manong! Today is my first day here as an intern and it's official na po!” nagagalak na anunsiyo niya sa kausap.

“Naku, magandang balita 'yan, doc! Sayang po kasi ang natapos niyo kung hindi niyo pakikinabangan."

“Naisip ko nga rin po 'yan, Manong.”

“Napanood nga po ng dalagita ko ang video ninyo at natuwa siya noong sinabi ko na kilala ko kayo, naging idol nga po niya kayo at gusto kayong makita sa personal,” nakangiti at masayang sabi nito samantalang siya namaʼy natigilan at napakunot ang noo dahil sa pagtataka.

“Video po?” tanong niya sa guwardiya.

“Hindi niyo pa po ba napapanood? Sikat na po kayo!”

“Manong naman, matagal na po akong sikat,” nakangiti at puno ng kumpiyansa na tugon niya dahilan para mapakamot sa batok ang kaniyang kausap.

“Ay! Oo nga po pala, Doc.”

“Pero ano po bang video 'yon?”

“Everette?” tawag sa kaniya ng isang pamilyar na boses.

“C-Chairman Vallejo...” alanganin ang ngiti na tugon niya sa ama.

“What are you . . .” bumaba ang tingin nito sa suot niya at sumunod ay sa kaniyang braso kung saan nakasabit ang puting coat. Napakagat labi na lamang si Everette dahil sa kaba. “Follow me on my office,” kalmado ngunit pormal na dugtong nito.

“Y-Yes, Chairman,” kinakabahan niyang sagot.

Hinarap niya ang guwardiya at binigyan ito ng alanganing tingin.

“Wish me luck, Manong.”

“Good luck po, Doc.”

Humabol siya sa kaniyang ama papunta sa opisina nito.

“Have a sit,” utos nito sa kaniya pagkapasok nila sa office.

“T-Thank you, Chairman,” sagot niya habang mas lalong tumitindi ang kabang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

“Why are you so nervous, hija?” her father asked laughing.

Napanguso siya. “Because I thought you're disappointed,” sagot niya.

“Of course not, Anak. Your dad is very happy now that it looks like 
you have decided to work here already.”

“Alam mo na po agad, Dad?” tanong niya rito.

Well, except the fact that she has a white coat hanging on her left arm.

“Your mother told me yesterday,” pag-amin nito.

“She's excited . . . .”

“As always, so . . . Where's your requirements? Kahit anak kita ay kailangan mo pa rin dumaan sa tamang proseso bago ka makapagsimula sa iyong trabaho rito,” ani ng daddy niya.

“Of course, Dad. That's right and what's supposed to be,” she answered placing the envelope above her father's table. Bumaba roon ang paningin ng matanda bago muling ibinalik sa kaniya.

“You can start your work now,” anunsiyo nito dahilan upang mamilog ang kaniyang mga mataʼt labi.

“Dad?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Ganoon din naman ang mangyayari, Everette anak, kaya bakit patatagalin mo pa?”

“Thank you, Daddy! Youʼre the best!” Tumayo siya at lumapit sa ama upang yakapin ito.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now