Chapter 17

310 10 0
                                    

“Ano bang nangyayari sa team na ito?!” galit na tanong ni Director Levin Vallejo sa Pediatric Department Team. “Ilang araw nang sunod-sunod ang palpak ninyo sa trabaho!”

Mga nakayuko lang naman ang mga nars, doktor at mga intern habang nakikinig.

“You are supposed to be saving lives and curing sick people, not risking your patientʼs life!” dugtong pa nito.

“Doctor Castillejo, what the hell is your problem? You know you didn't specialised about the bones, yet you dare to touch that patient!” bulyaw nito sa binatang doktor.

Mula pa noong nakaraang araw ay pumapasok ito sa trabaho na tila ba wala sa sarili, palaging magulo ang buhok, maiitim ang palibot ng mga mata na para bang ilang araw na itong walang maayos na tulog at bukod pa rooʼy gusot-gusot din ang coat nito. Not so him, sabi nga ng mga nakapansing nurse at ilang doktor sa ospital na iyon.

Kapansin-pansin din ang pagiging mainitin ng ulo nito. Kung nooʼy suplado lamang ito at tila walang pakialam sa paligid, ngayon namaʼy para itong bulkan na ano mang sandaliʼy maaaring sumabog.

Ilang beses na itong nakagawa ng mali, natutulala at hindi makausap nang maayos. Sa madaling salitaʼy naaapektuhan na ang trabaho nito, at sa mga oras nga na iyoʼy sinasabon ito kasama ang iba pang nasa Pediatric Team, kabilang din si Everette na ngayoʼy tulala lang na nakatingin sa sahig.

Kapansin-pansin din ang pananahimik ng dalaga at pagkatulala sa trabaho, ngunit kung si Trevour ay walang nakaaalam kung ano bang nangyayari sa kaniya, si Everette naman ay naikuwento na kay Samantha kaya ngayon ay dalawa silang umiiwas kay Trevour dahil ilang beses na itong nilapitan ng lalaki upang magpatulong para makausap niya man lang kahit na saglit si Everette, ngunit loyal na loyal ang dalaga sa kaibigan kaya ngayon nga ay umiiwas sila pareho kay Trevour.

“See? Youʼre spacing out again!” muling sigaw ni Director Levin kay Trevour na ngayoʼy walang kakurap-kurap na nakatingin lamang kay Everette magmula pa kanina.

“Doc . . .” Tinapik-tapik sa balikat ng kanilang anesthesiologist si Trevour upang kuhanin ang atensiyon nito ngunit nakailang tapik na itoʼy parang walang epekto, tila hindi nito naririnig ang ingay sa paligid at ang isip ay nakatuon lamang sa iisang bagay, o tao.

Sa isang iglap, lumipad ang kamao ni Director Levin at diretso iyong tumama sa kaliwang pisngi ni Trevour dahilan upang tumumba ito patalikod. Gulat na gulat ang lahat ng mga nakasaksi, ngunit ang mas ikinagulat nilaʼy ang sumunod na pangyayari.

“Trevour!” nanlalaki ang mga matang bulalas ni Everette at agad dinaluhan ang lalaki.

“Maureen Everette Vallejo!!” sigaw ng kuya niyang si Levin bago siya damputin sa siko at pilit itinayo mula sa pagkakaluhod niya sa harap ni Trevour.

“Kuya, no!”

“Nahihibang ka na sa lalaking iyan!” galit na sigaw ni Levin.

Agad namang nilapitan ni Samantha ang kaibigan at hinawakan ito sa braso dahilan upang lingunin siya nito, naluluhang umiling siya sa harap nito at sinabi, “I told you, always know your worth.”

Doon na tuluyang kumawala at bumuhos ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Everette dahil napagtanto niya na natalo na naman siya. Galit siya kay Trevour pero sa isang iglap lang ay natabunan iyon ng pag-aalala para rito. Hindi siya sanay matalo, siya si Maureen Everette Vallejo, pero sa mga oras na iyoʼy parang hindi na niya makilala ang dating sarili. Napakalaki ng ipinagbago niya magmula nang makilala niya si Trevour.

GINAMOT ng mga nurse si Trevour. Samantala, si Everette namaʼy pinahatid ng kaniyang kuya Levin sa driver pauwi sa mansion nila at pinagpapahinga ng kahit isang linggo hanggang sa makapag-isip-isip siya.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now