Chapter 6

337 17 0
                                    

"Did he hurt you?" untag ni Doctor Trevour sa kaniya.

"Huh? Ahh— no! I fought with him," tulala sa guwapong mukha nito na sagot niya.

Pairap nitong inalis ang paningin sa kaniya para muling harapin ang tatlong lalaki na ngayoʼy mga nakaposas na.

Napakurap-kurap si Everette habang patuloy na pinagmamasdan ang mukha ng lalaki.

"Impossible..." napailing-iling siya.

"What is impossible?" malamig na tanong nito.

"Nagparetoke ka!" bulalas niya dahilan para pagtinginan sila ng mga taong nakarinig.

"You're saying nonsense. Just do your job and please, focus." Tinalikuran siya nitoʼt agad tinungo ang batang pasyente para asikasuhin.

Pagkatalikod nito ay nag-make face naman si Everette at inirapan ang lalaki. Nagsisimula na naman siyang mainis sa paraan nang pakikitungo nito sa kaniya.

' Yelo!'

'Bato!'

'Masungit!'

'Suplado!'

Inis na naglakad siya patungo sa balak niyang puntahan kanina bago mangyari ang gulo.

Sa opisina ng kaniyang ama.

Ngunit sa paglalakad niyaʼy nadaanan niya si Levin sa isang tabi kausap ang female nurse na kasama sa gulo kanina. Nangunot ang noo niya nang sobra kasunod ay ang pagsilay ng mapaglarong ngisi sa kaniyang mga labi. Sa isip ay kung anu-ano kasi ang nabubuong hinala tungkol sa kapatid.

Nakita siya nito kaya binigyan niya ito ng nakalolokong ngiti na repleksiyon nang pangbubuyo niya rito. Inginuso pa niya ang female nurse na kaharap nito habang nakataas ang gilid ng kanyang mga labi.

Napahagikhik na lamang siya nang panlakihan siya nito ng mga mata. Napailing-iling siyaʼt nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa pakay na lugar.

Sumakay siya sa elevator at pinindot ang 'T' or Top floor kung saan matatagpuan ang office of the Hospital CEO at Director's office, which happen to be her brother, Levin.

Sa parehong floor hanggang sa ibaba niyon matatagpuan ang Marketing, Finance at iba pang departamento na bumubuo sa isang kompaniya.

Sa 7th floor o Paediatric floor naman nakadestino si Everette at ang iba pa niyang kapuwa Pediatric Doctor.

Narating niya ang pakay na palapag at agad na tinungo ang opisina ng ama ngunit hinarang siya ng Secretary nito na si Mr. Sison.

"He's preparing for the meeting with the boards, Doctora," bungad nito na tila may ideya na agad sa kung ano ang pakay niya.

Napabuga siya ng hangin.

"Ganoon ba? What time can I talk with him?" tanong niya.

"My boss has a very tight schedule for the whole day, Doc."

"Oh, I see... I'll just talk to him next time, thank you." Tumalikod siya sa lalaki para lamang muling humarap nang may maalalang sabihin.

"Yes, Doc?"

"Please give my father enough food and keep him hydrated," pakiusap niya rito.

"For sure, Doc." Ngumiti ang lalaki at bahagya pang yumuko sa harap niya.

Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Kailangan niyang magtrabaho at maging produktibo sa buong maghapon.

"Where have you been?" halos mapatalon siya sa gulat nang biglang sumulpot ang kuya Levin niya mula sa kung saan.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now