12

171 6 5
                                    

Solenn

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Ngayon ang araw ng exam kaya medyo kabado ako. Maka-ilang review ang ginawa ko sa bahay na halos makibasado ko na ang nasa libro.

Nakasalubong ko sa hallway sina Evah at Jia.

"Hoy, ano? okay ka lang?" sabi sa akin ni Evah dahil siguro naramdaman niya ang lamig ng kamay ko.

"Sol, are you nervous ba? I-kalma mo lang, ikaw ang top sa klase kaya for sure kaya mo 'yan." pang-ccheer-up sa'kin ni Jia.

"Exactly. Kaya mas kailangan kong galingan." saad ko at muling bumuntong-hininga.

"'Wag ka na kabahan, 'di ka ba ginoodluck ni Lance kagabi?" tanong ni Evah na may halong panunukso.

"Hindi nga e," nakangusong sagot ko.

"Ay nako, may babae 'yan."ani Evah habang tumatawa.

Inirapan ko na lamang siya at dumiretso na kami sa klase and as expected, hindi naman nagsimula kaagad ang exam. Binigyan nila kami ng limang minuto para mag-review pero ginamit ko ang limang minutong iyon para mag-isip-isip at ipahinga saglit ang utak ko para hindi ito ma-pressure gaya ng sabi ni Lance.

Nag-check ako saglit ng messages at nakita ko ang 'good morning' ni Lance.

I found myself smiling while responding to his message. What the heck??

Between Hello and Goodbye Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon