106

33 2 6
                                    

MESSENGER

Today, 10:11 P.M

baby kong college

Lance

Baby, I'm outside na

Solenn

antayin mo koo

Lance

Nasa may tindahan ako near your house

••

Agad na akong bumaba nung magchat siya. Nasa sala si mama kaya dahan-dahan lang ako. Hindi naman niya napansin ang paglabas ko dahil nakatutok siya sa laptop niya.

Paglakas ko ng pintuan ay pumunta kaagad ako sa tindahan malapit sa'min and there he is. Nag-ssoft drinks niya. I run to him and hugged him. Hindi ko alam pero miss na miss ko siya.

Ang bango niya talaga, kainis!

Naglakad-lakad kami habang umiinom ng soft drink.

"Sorry love ha kung ganito sitwasyon natin. Kailangan natin magtago para lang hindi mahuli. You know my parents, ayaw nila ng ganito." saad ko habang naglalakad kami.

"It's okay. I understand. Okay lang sa'kin kahit ganito tayo, Sol. Kahit ga'no pa kahigpit parents mo, gagawa pa rin ako ng paraan makita ka. I'll do everything, Sol at kahit mahuli nila tayo, ipaglalaban pa rin kita." nakangiting sabi niya.

Napaisip ako dahil sa mga sinabi niya. Ganito niya 'ko kamahal, kaya niya kong ipaglaban pero ako? Kaya ko rin kaya? Ni-hindi ko nga mapaglaban sarili ko, pa'no ko pa ipaglalaban si Lance?

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now