125

51 2 7
                                    

Solenn

Papunta ako ngayon sa condo niya. Bawat hakbang ko, kasabay non ang pagpatak ng luha ko. Umuulan ngayon at basang-basa na 'ko pero patuloy pa rin ako. Hanggang sa marating ko ang condo niya. Agad akong nagdoorbell at isang mainit na yakap ang sumalubong sa'kin.

Yakap na mamimiss ko.

Kumawala ako sa yakap niya. "Baby, what's wrong?" bakas sa boses nito ang pag-aalala.

Gustong-gusto ko na sumuko sa mga braso niya pero.. hindi ko kayang suwayin sina mama.

"I-I'm sorry, Lance.. "sambit ko habang patuloy pa rin sa paghikbi.

"What's wrong, huh? Baby, tell me bakit ka umiiyak?"

Inipon ko muna ang sarili ko bago magsalita. "Tama na, Lance. Tigil na natin 'to.. "pigil-iyak kong sabi. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko siyang kayang tingnan. Alam kong babalik at babalik ako sa kanya kapag nakita ko ang mga mata niya.

"Anong problema, hmm? Please tell me why did you say that?" kalmado ang boses nito. Alam kong pinilit niyang maging kalmado para sa'kin.

"Nalamam ni mama yung tungkol sa'tin.. kaya kailangan na nating tumigil.."

"Dahil lang sinabi nilang tumigil tayo, titigil talaga? Sol, pwede namam tayong lumaban. 'Wag ka matakot, you have me, okay? Lalaban tayo." nakangiti nitong sabi. Ang mga ngiting iyon ay puno ng pag-asa.

I shookt my head as an answer. "No.. we can't fight, Lance. Hindi ko kaya.. "

"Hindi mo kayang ano? Hindi mo ko kayang piliin? Hindi mo ko kaya i-laban? Ganon ba, Sol?"

"Hindi sa ganon, Lance-

He cut me off. "Edi ano? Anong hindi mo kaya?"

"Hindi madali para sa'kin 'to, alam mo 'yan p-pero wala kong magawa, Lance. Hindi natin kayang lumaban, Lance."

"Kaya natin kung gugustuhin natin, Sol-

"Lance, mga magulang ko 'yon!" hindi ko na napigilang maitaas ang boses ko dahil sa tensyon.

"Eh ako? P-pa'no ako, Sol? Pa'no tayo?" his voice broke.

Muling umagos ang mga luha ko nang sabihin niya 'yon. Tangina, nagiging selfish ako at alam ko 'yon. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang ganito si Lance. Hindi ko kayang parang nagmamakaawa siya ng ganito.

Napaluhod ako dahil ramdam ko na ang panghihina ng tuhod ko. He hugged me. Kahit na sinasaktan ko na siya, nagawa niya pa rin akong yakapin.

I quickly wipe my tears and stand up. I'm sorry, Lance.

"You deserve someone better.. and that's not me." saad ko at tumakbo papalayo.

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now