75

35 3 0
                                    

Solenn

"Sol, I'm happy na nakikita kitang nakangiti." ani niya habang nakatingin sa akin. Ang mga tingin na iyon ay nakaka-kalma.

Hindi ko na napigilan at unti-unting tumulo ng sunod-sunod ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumuhos.

Habang patuloy na umiiyak at humihikbi, nakaramdam ako ng isang mainit na yakap. Yung yakap na tipong ayaw mo ng kumawala. Yung yakap na nakaka-kalma ng damdamin. Sobrang warm ng yakap na 'yon at sobrang komportable ako ro'n.

Umiyak lang ako ng umiyak sa mga braso niya na para bang wala ng katapusan. Halos labing-limang munuto rin ang pag-iyak na 'yon at paghaplos ni Lance sa aking likuran. Ngayon, okay na 'ko. Napagod na lang din ang mga mata ko sa kaka-iyak.

Nang maramdaman niyang tumigil na 'ko sa pag-iyak, iniangat niya ang ulo ko at pinunasan ang huling luha na tumulo.

"Thank you," nakangiting sabi ko habang pinupunansan niya ang mukha ko.

He smiled back and pinch my cheeks gently.

"Tara na, review na tayo." saad niya tsaka inopen ang laptop sa may lamesa. Inilabas ko na rin ang dala kong libro at notebook.

Saglit lang ang oras na meron kami kaya hindi na namin sinayang iyon. Ni-review niya ako ng paulit-ulit, hindi nakakapagod o nakakasawa ang review-ng ginagawa niya sa'kin and for the first time, hindi ako na-ppressure.

Sa tuwing nag-rereview kase ako, ang dami kong what ifs sa utak ko na dahilan kung bakit ako na-ppressure pero ngayon, wala na. Wala ng kahit ano. Kahit na gahol kami sa oras, hindi pa rin ako na-ppressure. Ang saya lang ng ganito.

Matapos iyon ay inuwi na rin niya ako agad. Saglit lang kaming nagreview, sabi niya pag-uwi ko, magpahinga na raw ako agad para ready ako bukas. Sinunod ko naman ang ginawa niya. Buti na lang at mahimbing pa rin ang tulog nina mama kaya hindi nila napansin ang pag-alis ko.

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now