113

32 2 2
                                    

Solenn

Nag-doorbell ako kaagad ng marating ko ang condo niya. Sobrang nanghihina ako na naiiyak. Kailangan ko ng pahinga, kaya ako nandito.

Ilang saglit lang ay binuksan niya na rin kaagad ang pinto. Bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Agad ko siyang niyakap at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Naramdaman ko ang mga braso niya na niyakap ako kaya mas lalo akong umiyak. Mas lalo kong inilabas lahat ng luha ko.

Iniupo ako ni Lance sa sofa habang patuloy pa rin ako sa paghikbi at pagiyak. Tanging pag-yakap lang ang ginawa niya sa'kin at pag-tapik sa likod ko.

Nang matapos ako sa paghikbi ay iniangat ko ang mukha kong kanina pa nakasubsob sa dibdib niya. Tiningnan niya ko na may puno ng pag-aalala.

"Baby, can you tell me what happened? I'll listen, okay?" soft lang ang pagkasabi niya nito kaya mas lalong gumaan ang loob ko.

Ikinuwento ko sa kanya ang pangyayari, kasabay nito ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ko. Akala ko tapos na, akala ko wala na akong maiiyak, hindi pa pala.

Muli niya 'kong niyakap at tinatapik-tapik. Ilang sandali lang ay gumaan na muli ang pakiramdam ko.

Dahil kay Lance.

Okay na ulit ako. Masaya na ulit ako.

"Thank you, love. Thank you sa pakikinig." saad ko habang pinupunasan ang luha ko.

"You don't have to thank me, baby. I'll do everything for you. I'll be your human diary if you want. Okay lang na umiyak ka sa'kin, I'll be your crying shoulder, baby." saad nito sabay halik sa akin noo.

Why did I do to deserve this guy? I love you, Lance Zapanta.

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now