55

50 3 5
                                    

Solenn

It's 9:50 P.M. I'm just finishing my make-up. Wala sina mama sa bahay as always. Alam ko, mamaya pa ang uwi nila since lagi naman silang nago-overtime sa trabaho. Hinihintay ko na lang si Lance ngayon since bihis na 'ko.

Maya-maya lang ay may busina na sa labas. Isinuot ko ang bag ko at muling tiningnan ang sarili sa salamin ng pang-huling beses bago ako lumabas.

Nang makalabas, nakita ko si Lance nakatayo katabi ng motor niya. Nakasandal ito habang hawak hawak ang isang helmet.

Ang gwapo niya sumandal, tangina!

Hindi ko na ini-lock ang pinto kase baka mahalata nila mama na umalis ako.

"Ganda mo," he said out of nowhere.

Napangiti ako dahil dito. Isinuot niya na sa'kin ang isa pang helmet at inilalayang sumakay sa motor niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at iniyakap ito sa may tiyan na.

"Hold on tight, Sol. 'Wag kang bibitaw. Hawakan mo lang abs ko." nakangising sabi nito. Nakaramdam ako ng pamumula sa aking pisnge kaya dahil dito kiniliti ko ang tiyan nito, naglikot ang bewang nito, iniiwasang makaliti ko.

Ilang saglit lang ay nakarating na rin kami kung saan kami manonood ng concert. Unang bumungad sa'kin ang naghihintay na sina Jia at Evah kasama ang mga kaibigan ni Lance.

Naunang bumaba si Lance at inilalayan akong makababa.

"Hmm, commute? Grabe namang jeep 'yan. College." ani Evah tsaka tumawa. Nakita ko ang takang tingin ni Lance kaya agad ko itong minatahan para tumigil.

"Eh bakit ba? Gusto ko din ng ganyang commute e," nakangusong sabi ni Evah

"Gusto mo din? I'll drive you home later." naka-ngising sabi ni Ethan ngunit inirapan lang siya ni Evah at nilayuan.

Pumasok na rin kami agad sa loob dahil parami na ng parami ang mga tao na pumapasok.

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now