45

46 3 1
                                    

Solenn

"Grabe naman si tita. 'Di pa rin talaga siya nagbabago." sabi ni Evah matapos kong i-kwento sa kanila 'yong nangyari kanina sa bahay.

"True, 'di ba niya alam na sumusobra na sya? Lagi na lang siyang ganyan. Baka nakakalimutan niya na anak ka niya," saad naman ni Jia habang inilalapag ang ilang pagkain sa kama.

Nasa kwarto kami ngayon ni Jia. Ayoko na kaseng lumabas at gumala pagkatapos ng nangyari kaya nag-suggest si Jia na dito na lang kumain. Sila ni Evah ang nagluto tapos ako naman ang namili ng movie na papanuorin namin.

"You know what Sol, kalimutan mo muna 'yan." ani Evah at naupo sa tabi ko. Isinubo niya sa'kin ang fries na niluto niya. "Kain na lang tayo tapos bibigay ko sayo gift ko,"

Ngumiti ako bilang sagot. Ayoko na rin isipin pa ang nangyaring 'yon. Kahit noon naman ganyan na siya, dapat sanay na ako pero mahirap pa rin.

Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa.

Between Hello and Goodbye Onde as histórias ganham vida. Descobre agora