78

37 3 3
                                    

Solenn

First class namin ang quiz kaya hindi na 'ko nagpa-late pa. Kasabay ko rin kase pumasok sina Evah, mag-review daw kami saglit habang hindi pa klase kaya nasa canteen kami ngayon. Maaga pa naman kaya hindi muna kami umakyat.

"Sol, okay ka pa?" nag-aalalalang tanong sa akin ni Jia.

"Kaya nga Sol, hindi ka nagreply sa'min kagabi kaya nag-alala talaga kami tapos mamamalayan ko na lang nasa condo ka na nung Lance??" taas kilay na tanong nito.

I laughed. "Oo, ganda nga ng condo niya e. Ang laki," nang-aasar na sabi ko.

"Yung condo ba talaga yung malaki? Ehe" ani Evah habang nanlalaki ang mga mata.

"Hoy, ito talaga -"

"Eme lang, ito naman. Masyadong inosente" ani Evah tsaka binuklat ang libro.

Daldalan na may kunting review ata yung ginagawa namin. Puro kase kwento si Evah tapos nadadala naman kami. After 5 minutes, umakyat na rin kami. Baka kase maabutan kami ni Ma'am na wala sa room.

Pagdating ni Ma'am, nag-start rin kaagad ang quiz. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba 'ko kase for sure lalong maghihigpit si mama sa'kin dahil sa bagsak ko pero at the same time, kalmado yung feeling ko at alam ko kung sinong dahilan non.

Lance.

He's the reason kung bakit kalmado ako ngayon. Kahit nasampal na ko't lahat-lahat ng nanay ko kahapon, mas naging kampante yung feeling ko ngayon dahil sa kanya.

Mas naging confident ako dahil sa kanya at kapag iniisip ko siya, gumagaan talaga ang loob ko.

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now