74

37 3 1
                                    

Solenn

11 na ngayon ng gabi kaya super late na rin. Tulog na ngayon sina mama kaya madali na lang maka-alis.

Mula sa bintana ng kwarto ko, nakita ko ang motor ni Lance. Iniayos ko muna ang suot ko at pinunasan ang luha ko. Matapos non ay bumaba na rin ako. Dahan-dahan lang ako sa pag-baba para hindi magising sina mama.

Paglabas ko, agad na pumunta sa'kin si Lance at niyakap ako ng mahigpit. Sobrang init ng yakap niya. I feel safe in his arms.

"Are you okay, hmm?" ani neto habang nakahawak ang daliri nito sa aking baba.

Hindi ako sumagot at isinubsob na lamang ang mukha sa braso niya habang pinipigilang umiyak.

Iniangat niya ang mukha ko at pinunasan ang luha. Isinuot niya sa'kin ang helmet at inilalayang makasakay sa motor.

Mga 30 minutes rin siguro ang byahe namin hanggang sa nakarating kami sa isang building.

Shet, mamahalin!

Umakyat kami sa third floor at binuksan ang isa sa mga pinto ro'n.

"Wow! Ang ganda naman rito" saad ko nang buksan ni Lance ang pintuan. Dire-diretso akong pumasok sa loob para makita pa ang kabuuan ng paligid.

"Welcome sa condo ko," ani Lance tsaka isinara ang pinto.

Napaka-ganda ng condo niya! Super mamahalin!

"Ang ganda ganda rito!" paulit-ulit kong sabi habang palakad-lakad na parang bata.

Nakita kong naka-upo na si Lance sa sofa kaya naupo na rin ako sa tabi niya.

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now