68

46 3 4
                                    

Solenn

Hindi ko na ipinaalam pa kay Lance ang tungkol ro'n. Baka sisihin niya lang ang sarili niya since lumabas nga kami kagabi. Wala naman siyang kasalanan, kasalanan ko 'yon kase naging pabaya ako.

Natanggap ko na iyong quiz ko, kanina pa. As expected, bagsak. Ayokong ipaalam kay mama iyong tungkol do'n. Natatakot ako. Kaya itinapon ko na lang sa may basurahan pero naglilinis ngayon si mama. Lahat pa naman ng makita niyang papel, binubuksan niya.

Halos lumuhod na 'ko ngayon, nagmamakaawa na hindi niya makita.. sana hindi.

"Solidad!" sigaw ni Mama.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Lord, please help me!

Isang paglagok ang ginawa ko bago ako sumagot kay mama. "P-po?" nauutal kong sabi.

"Bumaba ka nga rito!" sagot nito. Mas lalo akong kinabahan. Nanginginig akong tumayo at bumaba. Ramdam sa kamay ko ang lamig dahil sa kaba at mga matang mangi-ngiyak-ngiyak na.

Saktong pagka-tayo ko sa harap ni mama ay isang malakas na sampal ang bumungad sa akin. Sa lakas nito ay halos mawalan na 'ko ng balanse. Dito ay unti-unting pumatak ang aking mga luha.

Alam niya na.

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now