56

48 3 3
                                    

Solenn

Pagpasok namin ay napaka-raming tao na ang nandito sa loob kaya pinilit na lang naming sumiksik para makakuha ng magandang view.

Concert ito ng sikat na banda kaya excited ako, bukod do'n ay first time ko rin manood ng concert.

Nung lumabas yung banda na mag-peperform, everyone jump and shout. Nakalabas rin ang mga phones nila para mag-video.

Hindi ko vibe ang ganitong klaseng paligid but when I saw Lance, vibing with it, naki-vibe na rin ako. Mukha namang masaya.

Para kaming mga baliw na patuloy lang sa pagtalon at pagsigaw na para bang wala ng katapusan.

Buhay na buhay ang buong pagkatao ko. Hindi ako mahilig sa ganito pero parang ayoko na 'to matapos.

Naramdaman ko ang unti-unting pag-hawak ni Lance sa mga kamay ko na dahilan ng pagka-pula ng pisnge ko.

"Gusto kita, Solidad!" Isang malakas na sigaw nito habang tumatalon-talon at sumasabay sa kanta.

Napangiti ako. Ito ang pangalawang araw ng panliligaw niya sa'kin. Kahapon kase nung lumabas kami, nag-ask na siyang manligaw at pumayag naman ako. Gusto ko rin si Lance pero ayokong maging mabilis ang kung anong meron sa'min kaya mas maganda na gan'to.

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now