36

61 2 2
                                    

Solenn

Pagkatapos ng ilang match, malaki ang lamang nina Lance kaya sila ang panalo. Naglakad si Lance pati yung dalawa niyang kasama papunta sa'min. Umusog ako ng kaunti para maka-upo siya sa tabi ko.

"Panis, galing ko 'diba?" ani Lance at kumindat.

Nakangiti akong tumango. "Magaling magaling," saad ko.

"As I said, ipapanalo ko yung game para sa'yo so do I have a prize?" nakangusong tanong nito.

Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko. Tangina. Pwede ba kiss na lang prize mo? 

"Premyo? Ano bang gusto mo?" nakangiting tanong ko habang pinupunasan ang pisnge nito.

"Hmm, dinner tayo. My treat." aniya.

I smiled and nodded. Nagpaiwan na sina Jia dahil may kanya kanya rin silang gagawin. Sumakay si Lance sa isang motor. Ang angas niya do'n tingan. Ibinigay niya sakin yung isang helmet habang yung isa naman ay isinuot niya. Inilalayan niya 'ko sa pagsakay ko sa motor niya. 

Napakapit ako sa tiyan niya nang paandarin niya ang motor. Tangina, ang tigas.

Nakarating kami sa dalampasigan. Bumaba kami sa motor at naglakad-lakad. Hanggang  sa may makita akong parang picnic setup. Naunang maglakad si Lance at tumigil doon sa pang-picnic na setup. May tela roon at may basket. Katabi ng basket ay may jacket. Kinuha ni Lance ang jacket at iniabot sa'kin. 

"Here," aniya.

Umupo ako ro'n at isinuot niya sa akin yung jacket. Pang varsity yung jacket na iyon.

"Malamig dito kaya suotin mo muna 'yan," saad niya.

Binuksan niya ang basket at mula sa loob no'n ay may dalawang tupperware. Fried chicken at adobo ang laman nung tupperware na iyon. May dala-dala rin siyang kanin at mga plato.

"Wow kumpleto," saad ko.

"Syempre, I prepared for this kaya." he said.

I smiled. Kumain na rin kami habang ine-enjoy ang view ng dagat at ang simoy ng hangin. Sobrang kalmado ng lahat, walang maingay, walang gulo. Puro katahimikan lang. 

After naming kumain, tinulungan ko si Lance magligpit ng pinag-kainan namin. Naglakad-lakad muna kami sa dalampasigan, pampababa ng kinain.

"Birthday mo na pala bukas?" he said.

Tumango lang ako. "May klase ka ba bukas?" tanong niya.

"Meron, plano ko after class ko i-ddate sina mama tapos after namin kumain, may plano kami nina Jia." saad ko.

Ilang saglit ang lumipas at hindi na siya nagsalita. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakanguso.

I laughed. "Nginu-nguso-nguso mo diyan?" natatawang sabi ko.

"Edi hindi pala tuloy yung plano ko bukas," aniya.

"Plano? Ano bang plano mo?" tanong ko.

""Di ba inaya na kita no'n na mag-ddate tayo sa birthday mo? Kaso mukhang puno na schedule mo pero okay lang, may susunod ka pa namang birthday, do'n na lang ako babawi." nakangiting sabi niya.

I smiled. Hindi ko masisingit yung date namin ni Lance bukas kase kaunting time lang meron ako. Kakain kami nina mama tapos mag-bbonding naman kami nina Jia, for sure gabi na 'ko non makakauwi.

After naming maglakad-lakad, bumalik na rin kami sa motor niya. Hinatid niya ko pauwi, alas-ocho na rin ako naka-uwi. Pagdating ko sa bahay ay dumiretso na lang ako sa kwarto at natulog.

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now