16

127 7 4
                                    

Solenn

"Ngini-ngiti-ngiti mo dyan?" nakapa-maywang na tanong sa akin ni Evah tsaka ito umupo sa tabi ko.

"Wala," saad ko at mabilis na ibinulsa ang cellphone ko.

"Si Zapanta yan, 'no?" tanong nito habang nakataas ang kaliwang kilay.

Dahan-dahan naman akong tumango bilang sagot. Napansin kong wala sa tabi niya si Jia kaya ginamit ko ang tiyansang iyon para maiba ang usapan.

"Si Jia?" kunot-noong tanong ko.

"Nandon, magka-tawagan sila ng bebe niya." saad niya habang kinakalikot ang kuko.

"Gusto ko na rin ng kausap, bigyan mo ko ng lalake, Sol." naka-ngusong sabi niya.

"Baka may kaibigan pa yung mga jowa niyo ni Jia, hehe reto mo ko." aniya.

"Bakit? Nakamove-on ka na ba sa ex mo?" nakangising tanong ko.

"Ah talaga ba? F.u," saad niya tsaka umirap.

"Hoy, Nevaeh Celeste Fermano, 'di ba sabi ko sa'yo mag-move on ka muna? Sa lahat ng lalaking dumating pagkatapos ng ex mo, lahat sila ghinost mo kase nga namimiss mo yung ex mo tapos puro ka pa imissyou posting habang may ka-talking stage ka." saad ko.

"Ang tagal niya kase bumalik." naka-ngusong sagot niya.

"Hindi na nga siya babalik kase may girlfriend na siya, remember? Two years na sila nong girlfriend niya tas two years na rin nung naghiwalay kayo, ba't hindi ka pa kase mag-move-on?" tanong ko.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"You know kung ga'no kahirap, Sol and alam mong sinusubukan ko but I can't. Siya lang yung nag-trato sa'kin nang ganon. Ang hirap. Sobrang hirap." saad niya.

I know how hard it is for Evah. Sobrang minahal niya yung Rex na yon mula grade 9, sila and then, bigla na lang nagbago 'yang hayop na Rex na yan.

"Mamaya na uli tayo mag-chikahan, mag-rereview pa ko. Babye!" aniya tsaka naglakad pabalik sa pwesto niya.

Pagtitig lang sa sahig ang ginawa ko hanggang sa matapos ang minutong binigay nila para magreview. Ini-unat ko ang aking braso at leeg upang makapag-handa na sa pagsagot sa exam.

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now