123

40 2 7
                                    

Solenn

Ngayon ang araw nang paglabas ng finals. Nasa sa'kin na ang testpapers ko. Ugali ko nang ilagay ang testpapers ko sa may lamesa sa sala para agad na makikita ni mama, gano'n ang ginawa ko. Wala na naman akong takas kaya para saan pang itatago ko o itatapon, makikita niya rin naman. Nasa kwarto na 'ko ngayon para magbihis, kakauwi ko lang galing school. Nasa baba na rin si mama at paniguradong tinitingnan na nito ang mga test papers ko dahil naririnig ko na ang pagbasag ng mga plato.

Hindi pa man nakakababa ay naluluha na ang mata ko. Alam ko na kung anong mangyayari.

Pagkababa ko ay agad na sumugod sa akin si mama pero pinigilan siya ni papa. Tuluyan nang tumulo ang luha ko dahil dito. Galit na galit ang mga mata ni mama. Nanlilisik ang mga ito habang nakatingin sa akin.

"Tangina! Ano 'to, Solidad?! Ang bababa! Nag-aaral ka ba talaga?! Ginagamit mo ba talaga yang utak mo, ha?" sunod-sunod nitong sabi. Patuloy lang ako sa pag-iyak, sobrang nakaka-panghina lahat ng sinasabi ni  mama.

"Tangina, Solidad! Binigay namin lahat sa'yo tapos ito igaganti mo?! Mag-aaral ka lang ng mabuti, hindi mo pa ginawa! Ang tanga-tanga mo! Walang kwenta 'yang pagpasok mo sa eskwelahan na 'yan! Tingnan mo nga 'tong scores mo!" aniya at hinilamos sa akin ang mga testpapers ko.

Mas lalo akong naiyak dahil dito. Lagi niya 'tong ginagawa pero ang sakit pa rin! Anak niya 'ko e, pa'no niya nagagawa sa'kin 'to?

"Siguro dahil 'to sa mga kaibigan mo, 'no? Nahahawaan ka ng kabobohan nila. Hindi ba't sinabi ko sa'yo na layuan mo na yang mga kaibigan mo?! B.i yang mga 'yan! Dapat ang kinakaibigan mo iyong  mga matatalino para nahahawa ka sa katalinuhan, hindi 'yong nagiging bobo ka diyan! Amin na ang yang cellphone mo!" sigaw nito. Lumakas ang kabog ng puso ko.

Si Lance.

Halos kumawala ang puso ko sa mula sa aking dibdib nang sabihin niya iyon. Tanging si Lance lang ang nasa isip ko ngayon. Inagaw niya mula sa kamay ko ang cellphone ko at binuksan iyon. Habang pinapaki-elaman niya ito ay mas lalong kumakabog ang dibdib ko.

"Sino tong Lance?!" tangina, ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Sino tong pinopost mo ha? Sino 'to, Solidad?!"

Napa-lunok ako bago magsalita. "K-kaibigan k-ko po, ma" nauutal kong sabi.

Sorry, Lance.

"Kaibigan?! Nag-sisinungaling ka na samin? Boyprend mo 'to, 'no?!" hindi ako nakasagot dahil dito. Hindi ko na matatangi si Lance. Napaluhod ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Kaya pala lagi kang late umuwi at laging lumalabas ng gabi. Malamang siya ang dahilan kung bakit ka bumagsak, ano?! Makipag-break ka diyan!"

"Ma .." pagmama-kaawa ko.

"Ano? 'Wag mong sabihin na mahal mo na? Bata ka pa, hindi mo pa alam ang salitang 'yan!"

"M-ma, please.. aayusin ko na po yung pag-aaral ko, 'wag niyo lang po akong ilayo kay lance-

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng isang palad ang dumapo sa mukha ko. Si papa. Sinampal ako ni papa.

"Itigil mo 'yang sa inyo! Sinasabi ko sa'yo, Solidad!" saad ni Papa habang nakatutok sa'kin ang hintuturo nito.

Between Hello and Goodbye Donde viven las historias. Descúbrelo ahora