126

75 3 10
                                    

Lance

Infinity. Gano'n ang pagmamahal ko kay Sol. Walang katapusan.

We first met on omegle. It was a site where you can meet strangers and that's where I meet Sol. I had fun talking to her. Alam mo yung sobrang comfortable ko sa kanya. Sobrang saya ko sa kanya. Everything is fine. I had this little crush on her na nag-grow nang nag-grow. Hindi ko namalayan na gusto ko na pala siya. I tried to hide it kaya dumaan ako sa indenial stage na 'yan but then it was so obvious na. Yung tipong sa kanilang lahat, malinaw na na gusto ko siya, sa aming dalawa na lang malabo.

Noong unang beses na magkita kami, inaya ko siya non manuod ng game ko. Kalaban namin yung crush niya. Lagi raw siyang nanunuod ng game nila non tapos parang gusto rin siya nung crush niya e. Madikit kase, nakakainis pa rin talaga. Nung time na yon, gusto ko lang manalo. Hindi ko alam kung anong gusto kong mapanalunan, yung game ba o si Sol. Everytime that she cheers for our team and scream whenever we get points, ginaganahan talaga ako. Tapos after non, nagdate kami! Sobrang saya. Dinala ko siya non sa beach and she loves it. Kaya iyong beach na 'yon ay naging favorite place ko.

Tapos no'ng birthday niya, akala ko hindi ko siya makakasama kaya nalungkot ako hehe pero ayon nagkasama pa rin kami. Ang saya saya kasama ni Sol, she means everything to me. Noong birthday niya, I told her what I feel. I confessed my feelings and court her. I wanted to show her na seryoso ako at malinis ang intensyon sa kanya.

Kung tatanungin ako kung anong favorite memory ko kasama siya, yon ang yung concert! She said that it was her first time watching a concert. Sol, doesn't like those kind of things- loud and chaotic pero mukhang masaya raw ako e kaya sinubukan niyang gustuhin at nagustuhan niya. Nung time na 'yon, alam kong sing-pula na ng kamatis iyong mukha ko. Like, the fact na tinry niya yung mga bagay na gusto ko kahit ang ibig sabihin pa non ay ang paglabas niya sa comfort zone niya, nakaka-blush tangina. Ba't ba 'ko kinikilig? Pucha naman hahaha.

But, not everything is about happiness. Siyempre meron iyong time na hindi talaga maganda. Strict parents si Sol kaya minsan hindi siya pwede sumama sa gala or minsan hindi rin kami nakakapag-kita and that's fine kase naiintindihan ko yung sitwasyon niya. Alam kong hindi rin madali para sa kanya 'yon. Nung time na nag-rant siya sa'kin tungkol sa quiz na nabagsak niya, sabi niya sinampal raw siya nung mama nung nakita yung quiz na itinapon niya. Alam kong habang kinukwento niya 'yon, umiiyak siya and it brokes me. Lalo pa nung naka-sandal lang siya sa dibdib ko habang humahagulgol. Parang dinudurog non ang puso ko, hindi ko kayang nakikita siyang ganon. Syemre mahirap iyon para sa'kin pero.. wala akong nagawa.

Pagkatapos non, sinamahan ko na siya magreview palagi. Way rin 'yon para makasama ko siya hehehe. Tapos, ang cute cute niya magselos. Para siyang baby- ko hahahs baby ko- noon. Noon pala hahaha. Mahirap siya suyuin pero worth it naman. Hindi niya na kailangan magselos kase hindi ako interesado sa kahit sinong babae kung hindi siya 'yon. Lagi ko siyang binibigyan ng assurance kase ayokong nago-overthink siya. Sol is very important to me. I admit na clingy ako sa kanya and submissive, wala e, I don't know kung pa'no nangyari 'yon kase hindi naman ako gano'n. Maybe because handa akong magpa-under sa kanya kaya gano'n.

After all of that, siyempre hindi kami pwedeng palaging ganito- na masaya. I mentioned earlier na may stirct parents si Sol. Matik, bawal ang boyfriend kaya hindi ako napakilala ni Sol sa mga magulang niya ng maayos at naiintindihan ko 'yon pero nahuli kami at do'n ako nakilala ng magulang niya. Sabi nila distraction raw ako kay Sol. Napaisip akong mabuti tungkol ro'n, distraction nga ba talaga ako? Kaya ba bumabagsak si Sol dahil sa'kin? O dahil sa pressure nila sa kanya? Alam kong hahantong lahat sa ganito kaya nga lahat ng oras na kasama ko siya, tinitreasure ko talaga.

I love Sol more than everything kaya noong pumunta siya sa condo ko habang umiiyak at nakikipag-break, you know how much it brokes me. Panandalian lang pala yung saya namin.  Alam kong hindi madali iyon para sa kaniya kaya pinipilit ko siyang intindihin, pero pa'no naman ako? Hindi rin madali para sa'kin 'to kaya nga gusto kong lumaban kami eh kaso.. wala eh. Pa'no kami lalaban kung pagpili nga sa'kin hindi niya magawa? God knows kung gaano ko kamahal si Sol. No words can describe how much I love her. I almost beg para lang hindi niya 'ko iwan. Gano'n ko siya kamahal.

Between Hello and Goodbye Donde viven las historias. Descúbrelo ahora