35

65 3 5
                                    

After ng klase, dumiretso ako agad ng bahay para magbihis. Sa milktea-han kami magkikita-kita. After ko magbihis, nilakad ko lang yung milktea-han since malapit lang naman 'yon sa bahay. Nang marating ko 'yon, nakita ko na rin yung dalawa do'n. 

"Here oh," ani Jia tsaka inabot yung milktea-ng binili niya.

Dumiretso na kami sa court, wala naman ganong tao ro'n. May ilang naka-unifrom don, mga schoolmates siguro nina Lance, tangina halos babae lahat ntapos yung iba naman, tropa nina Jack. Hindi naman talaga siya competition, siguro memang laro lang.

Naupo kami sa isang bench ro'n habang pinapanood naming mag-ready yung mga player. Pa-simpleng nililibot ng mata ko ang court pero 'di ko mahanap si Lance. I saw three guys na palapit samin. Yung isa ro'n ay yung boyfriend ni Jia, nakita ko na siya once so medyo pamilyar na siya pero yung dalawa, 'di ko kilala. Well, yung isa medyo familliar rin, matangkad, sobrang tangkad. Sa kanilang tatlo, siya yung pinaka-matangkad. Lumapit sila samin and the tall guy sats beside me. I'm still curious kung sino siya so I kept looking at him.

He giggles. "What? 'Di mo pa rin ako kilala?" nakangising sabi niya.

Tangina, ang gwapo ng boses. "L-lance?" utal kong sabi.

He nodded. "Solidad," saad niya at itinaas ang kaliwang kilay habang nakangisi.

Putangina, luluhuran. Nakaka-himlay boses niya, putangina talaga. Ayoko na, ang gwapo.

"Ariones?" sambit ng isang lalake. Napatingin ako ro'n, si Jack. "Hoy kamusta? Tagal mong 'di nanood ng game namin. Hinahanap kita kada-game namin kaso wala ka naman. Anong nangyari?" aniya tsaka umupo sa kabilang gilid ko.

"Na-busy lang," matipid kong sagot.

"Well, guess 'di ka na busy kase nandito ka na ulit para panuorin ako." aniya tsaka ngumiti.

"No, she's here for me. Ako yung panunuorin niya, hindi ikaw." mabilis na sagot ni Lance.

Walang kahit anong emosyon sa mukha niya so hindi ko ma-identify kung galit ba siya o ano. Nakikita ko ang paggalaw ng panga niya, ang sexy niya, tangina naman oh.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Jack.

Bago pa 'ko sumagot ay nauna nang magsalita si Lance. "Yes and we're really close," he said as he smirked.

I don't know where this is going pero mukhang nagkakainitan na silang dalawa. Gladly, tinawag na si Jack ng mga kasama niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Itinuon ko naman ang atensyon ko kay Lance na nasa sa'kin na ang tingin. "Goodluck sa game," saad ko at ngumiti.

Ngumisi lang siya at pumunta na sa court. "Grabe ka na, Sol. Dalawang college student ba naman, amin na lang yung isa." ani Evah tsaka nag-pout.

Kahit wala akong alam sa basketball, nagfocus ako sa laro nila. Laging nagtatapat sina Lance at Jack. Nakita kong binangga ni Jack si Lance kaya natumaba si Lance at nabitawan nito ang bola.

"Hoy foul yon!" sigaw ni Jia.

Nag-end yung first match nila at nagtungo samin sina Lance. "Ayos ka lang?" tanong ko, malakas ang pagkabagsak niya kaya gusto kong malaman kung ayos lang siya.

"Hmm yeah," he said.

Wala sa akin ang atensyon niya kundi kila Jack. Matalas ang tingin niyang iyong kanila Jack.

"Tangina ni Salvador, madaya." galit na sabi ng isa nilang kasama.

If i'm not mistaken, siya si Ethan. Minsan na siyang nagcomment sa post ko sa ig kaya kilala ko siya. Tama naman siya, may kaunti akong alam sa basketball kase si papa mahilig do'n kaya alam kong foul nga iyon.

Inilabas ko ang dala kong towel at tubig. Ibinigay ko ang tubig kay Lance. Ininom niya 'yon pero na kay Jack pa rin ang tingin niya. Pinunasan ko ay pawis sa noo niya. Tangina, ang bango-bango niya.

Nakita kong nasa akin na ang tingin niya. "Thank you, Mahal." he said.

Thank you po sa magulang ko na pinangalanan ako ng Mahalia. Best name ever.

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now