87

35 2 1
                                    

Solenn

5 P.M na ngayon pero hindi ko pa rin siya nirereplyan. Kanina pa tunog ng tunog ang phone ko sa chat niya kaya inoff ko muna ito. Sa ngayon, nagrereview ako. Malapit na kase ang finals kaya kailangan kong mag-focus rito. Binusy ko ang sarili ko para malimutan muna si Lance.

"Pagkatapos niyang sumama sa iba, icha-chat-chat niya ko. Ang galing," nakangusong sabi ko habang nagbabasa ng libro.

Kahit na marami akong ginagawa, hindi ko pa rin maiwasang isipin siya at iyong babae. Hindi ko alam kung ba't ganito ang nararamdaman ko. Para bang kumukulo yung dugo ko. I've never felt this before lalo na at lalaki pa ang dahilan.

Am I jealous?

"Younger sister daw pero para silang couple,"

Binuksan ko ang cellphone ko at agad na ini-stalk yung Tanya.

"So?.. Siya 'to? Ito na 'yon?" taas kilay na sabi ko habang nag-sscroll sa profile niya. Agad kong ipinatay ang cellphone ko dahil sa mga nasabi ko.

"The heck, Sol? Ba't mo sinasabi 'yan? Hindi ka nagseselos, okay?" pangungumbinsi ko sa sarili ko. Ibinalik ko sa libro ang atensyon ko. Kailangan kong mag-focus rito.

Ilang saglit lang ay napatingin ako sa cellphone nang mag-ring ito. I panicked when I saw the caller.

It was Lance.

Natataranta kong kinuha ang phone ko at imbis na decline ang mapindot, accept ang napindot ko.

Pucha naman!

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now