89

36 2 4
                                    

Solenn

Agad akong napatayo nang marinig kong nasa labas siya. Sinilip ko kaagad siya sa bintana ng kwarto. Nando'n nga siya. Naka-sandal sa motor niya habang hawak sa kaliwang kamay ang cellphone at nakatingin rin sa bintana ko.

Bumaba ako agad para puntahan siya. Wala pa sina mama kapag ganitong oras kaya okay lang na nandito siya.

Nang makalabas ay pareho kaming binalot ng katahimikan. Pareho kaming nakatingin sa isa't-isa.

"Sol," pagbasag niya sa katahimikan. Sunod-sunod na hakbang ang ginawa niya hanggang sa magkalapit na kami.

Pagka-hakbang niya sa mismong tapat ko ay marahan niya akong niyakap. Hindi nakakasal ang yakap na 'yon, sakto lang. Ramdam ang init ng mga braso nito.

Hindi ako kumawala sa yakap na iyon. Galit ako sa kanya pero hindi ko magawang umalis sa yakap niyang 'yon.

His hugs are all I needed. Kainis! Marupok ako e syempre tanggal agad galit ko sa ganito.

"Nagseselos ka 'no?" biglang sabi nito. Pinilit ko nang makawala sa yakap niya ngunit hindi ko nagawa dahil hinigpitan pa niya ang pagkaka-yakap sa'kin.

"Hindi 'no. Ba't naman ako magseselos? Buhay mo naman 'yan, desisyon mo kung makiki-pagdate ka sa iba. Tsaka maganda siya, bagay kayo. Hindi ako nagseselos, 'no? Sa katunayan nga, ang cute niyo pa e. Promise, 'di talaga ako nagseselos. Kung gusto mo i-support ko pa kayo-

He cut me off. "Nagiging madaldal ka kapag nagseselos ka, 'no?" mapang-asar na sabi nito.

Hindi na 'ko naka-sagot pa at isinubsob na lang ang mukha ko sa balikat nito.

"Sino ba kaseng nagsabi na sumama ka sa kanya?" iritang sabi ko. Narinig kong tumawa siya kaya mahina kong hinampas ang dibdib niya.

Tangina, ang tigas. "Nag-ggym ka ba?" wala sa sariling tanong ko.

Ang bobo mo, Sol! Ba't mo sinabi 'yon?

Narinig ko ang pagtawa niya kaya mas lalo kong isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"Kunwari hindi ko sinabi 'yon ha" nahihiyang sabi ko na mas ikinatuwa niya.

"You're so cute and yes, nag-ggym ako kapag walang practice." nakangiting sagot nito.

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now