66

45 4 1
                                    

Solenn

It's 10 P.M. Waiting na lang kami sa second class namin, kakatapos lang kase ng unang klase.

"Shet, naka-pag review ba kayo? Ako kase hindi hehehe, sana kayo rin." ani Evah habang inilalabas nito ang kanyang notebook.

Hala, oo nga pala may quiz! Shocks, nakalimutan ko! Ni-wala akong nareview na kahit ano.

"Gosh Sol, ba't kase hindi ka nagreview kagabi?" saad ko tsaka tinutuktukan ang sariling ulo.

Patay, ano isasagot ko nito? Ilalabas ko na sana ang notebook ko para mag-review pero biglang dumating si Ma'am.

Si Ma'am Gomez pa naman subject teacher. Sobrang sungit niya pero ako ang favorite student niya, favorite ko rin kase ang subject niya at lagi akong perfect rito.

For the first time, ngayon ko lang na-feel 'to. Itong feeling na wala talaga akong matandaan sa mga lessons. Ni-hindi ko ma-recall yung mga pinagaralan nung nakaraan. Never ko tong na-feel, yung kaba ramdam ko 'yon lagi pero kahit gano'n alam kong may maiisasagot ako kaso ngayon, iba e. Feel ko talaga wala kase wala na kong matandaan sa mga lesson noon at mas lalong wala akong na-review.

Pucha, hindi ako pwedeng bumagsak!

Between Hello and Goodbye Where stories live. Discover now