Chapter 1

88K 2K 635
                                    

Sea Without Waves

Opposite

Humalukipkip ako sa gilid ng gate, bagot na tinitingnan ang mga estudyanteng lumalabas.

Some of them are looking at me intently like I'm a virus, some—mostly men, looked at me like I'm an art who's thirsty for a compliment.

"Ashtraia Laurice Ferrarin..." isa pa ata sa kalandian ko iyon.

Tamad kong nilingon ang lalake. He's tall. My type of boys. Kung isa man ito sa nakalandian ko, hindi na ako magtataka sa tindig.

"Balita ko pinopormahan mo raw si Draven, 'yung nerd?" humalakhak siya nang magtungo sa akin.

That escalated quickly huh?

"Naiba na pala ang type mo? Hindi na ako pasado niyan kung gano'n? I'm too hot for your standard of boys..." he smirked cockily and held my chin.

I rolled my eyes boredly while wearing a half smile.

"Fuck you," I mouthed lazily and pushed his chest lightly.

He chuckled.

"Come with me..." aniya.

Umiling ako. "Hinihintay ko si Draven."

Nanlaki ang kanyang mga mata ngunit lumalaki ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

"Whoa! So it's really true?!" para bang hindi iyon kapani-paniwala.

"May atraso sa'kin," sabi ko at tamad na hinaplos ang buhok.

Humalakhak siya. Ang iilang estudyanteng nagsisilabasan ay napapasulyap sa amin at nagbubulung-bulungan.

"Akala ko ba si Draven? Bakit ngayon si Aster?"

"Ano pa bang bago sa kanya? Playgirl kaya kung kani-kanino nalang. At imposible namang pumatol diyan si Draven. He's not into bitchy..."

Umangat ang aking kilay doon. Draven's not into bitchy. But boys are always into pretty girls. Hindi naman sa nasusugat ang ego ko sa sinasabi nila ngunit hindi ako maniniwalang hindi babae ang kahinaan ni Draven. Lalake pa rin 'yon.

"Huwag na 'yon! Baka hindi nga 'yon marunong humalik! Maboboring ka lang!" ang lalake sa aking harap na tinawag nilang Aster.

Boring humalik? Halatang walang experience 'yon. O meron ba?

"Hindi ka mapapaligaya noon..." Aster continued blabbering.

Naramdaman ko ang pangangalay ng aking paa. Anong oras na rin ba? Malapit nang mag alas sais lalo na't nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa paligid, hudyat na ang tagal niya nang nasa loob!

O baka naman kanina pa 'yon lumabas? Kaso imposible. Maaga ako. Ako ang pinaka naunang lumabas sa classroom lalo na't tinakasan ko na ang mahabang lecture.

Kaya imposibleng nauna na 'yung makalabas.

Nagpatuloy si Aster sa pagsasalita hanggang napansin ko ang tindig ni Draven na lumalabas na rin sa school. I glanced at him. He captured my eyes. Sumulyap siya kay Aster, saka binawi at deritso na ang tingin.

Tumayo ako ng tuwid at umalis sa pagkakasandal sa gate. Kunot-noong tumingin si Aster sa nakapamulsang si Draven suot ang bag at ang mas nagulo niyang buhok, marahil ay nastress sa banta ko?

Draven didn't stop. Wala ring balak lumapit. Aba't... gustong magpasuntok kay Cassius?

"Oh wala naman palang pake sa'yo kaya tara na!" si Aster na hinawakan na ang aking pulso.

Binawi ko iyon at naglakad patungo kay Draven. Sumabay ako sa kanya sa paglalakad. Hindi umimik, deritso ang tingin at walang balak lumingon.

"You know you will face Cassius' punches once you didn't settle this with me," I said.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon