Chapter 23

45.8K 1.2K 286
                                    

Owner

"Ano 'yung kumakalat na rumor na... girlfriend ka ng anak ng presidente? Ni Apollo? You're dating him?"

Her second name is just too famous on the internet...

Ang pangarap ni Ayeselle na maging modelo ay natupad din. Her mother doesn't want it for her. She doesn't want her to enter showbiz. But she always enjoy the runways and fashion shows. Noon pa man. 'Yun na ang hilig niya bago kami ipinatapon sa Caraga.

Among us four, she's determine to become an international supermodel. For the past years, iyon lamang ang inatupag niya. Kaya ngayong sumisikat at nakikilala sa larangan ng pagmomodelo, masyado na siyang busy.

Humalakhak lamang siya. "Oh we're just friends!"

Friends huh? Speaking of...

Tumikhim ako at may gustong buksan na topic ngunit umaangat ang kanyang kilay at parang ayaw pag-usapan. I heard a lot of things... but I didn't confirm yet if it was true.

But... is that really true? Ano bang nangyari sa buhay niya at parang napariwara siya? Parang ayaw kong isipin kaso... matalino 'yon. Ano 'yon? Bigla siyang nabagok—nabobo at naisipang magrebelde sa buhay niya? Is that it?

Lalo na't sa aming dalawa, parang ako pa ang kapani-paniwalang maliligaw ng landas. Is he taking drugs?!

Naalala ko ang araw na 'yon at noong nakaraang buwan lamang. Akala ko namamalikmata lamang ako habang nasa presinto at sinamahan ang kaibigan ko but I really saw Trison wearing an orange t-shirt!

I tried to confirm it again on the next day but...

"Sinong bibisitahin mo?" tanong ng pulis nang magpasya akong dumalaw.

"Uh... Trison Wallace Alcaraz..."

"Kaano ano ka ng bilanggo?" the officer asked strictly.

I wanted to say I'm her... hmm... friend? But no. I need more than that.

"Girlfriend," I said.

"Girlfriend?" saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa. "Sigurado ka, Miss?"

I'm not sure if she's criticizing me as Trison's girlfriend or... Trison as my boyfriend. Oo nga hindi pasado ang gagong 'yon sa standards ko pero malay ko ba kung ano nang itsura niya ngayon. Pumangit ba dito sa loob? Naging mukha nang kriminal?

Dumaan ako sa mabusising proseso. May mga ipinakitang ID's at may mga sinabi pang policy para sa jail visitation.

The officer checked the list while I'm trying to wait for my turn of visit. Ngunit ilang minuto, itinanggi nilang walang pangalang Trison doon. So I assumed maybe inilipat na sa ibang kulungan.

We used to be friends. So what happened?

Pagkatapos ng pakikipagkita kay Ayeselle, tumulak din naman ako papuntang Caraga lalo na't may nakalap din akong balita. I'm not trying to be desperate here. Babalik lang naman ako lalo na't ako ang magmamanage ng Hotel.

"Lola," I smiled and greeted her as soon as I arrived at the mansion.

"Good thing you finished college, Ashtraia," aniya.

I chuckled and brushed my hair lightly. I almost didn't make it. But I'm determine to finish it because I remember someone who's passionate about his dreams.

Wala naman talaga akong pangarap. I grew up having everything inspite of the chaos. My clan's name is controversial but it didn't hinder me to do the things I want. Nakukuha ko naman ang mga gusto ko. Maliban nga lang sa isang bagay. That even our money couldn't buy it.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon