Chapter 13

53.3K 1.7K 231
                                    

Sea Without Waves

Want

Hindi ako makaalis alis sa party. Bukod sa ako ang birthday girl, nasa akin din lahat ng atensyon.

"You okay?" si Bryson nang lumapit sa akin at may dalang inumin.

Tinanggap ko iyon. Some of the elders looked at us curiously. Marahil ay nakaabot na sa lahat na kami ang pinagpapares at kung anu-ano na ang nabubuo nilang konklusyon sa kanilang mga isipan.

"Nabanggit ni Rodnick 'yung papalapit na Summer. Sasama ka ba?" tanong ko habang bagot na nakatayo at hindi alam kung sino ang papanoorin.

Everyone's having a great time. Most of them are the elders because this is their cup of tea. Ang mga kaedaran ko ay nawiwili rin naman ngunit kalmado pa rin sa kani-kanilang tables.

"I'm not sure. My girlfriend is too sensitive right now about you," ani Bryson.

Nag-angat ako ng kilay. "Bakit? Ano bang iniisip niya? Na patay na patay ako sa'yo at hahalikan kita sa harapan niya?"

"She's overthinking things after he found out I'm bound to marry someone else."

"Being in a relationship is so dramatic I wanna puke," I rolled my eyes sipped on my drink slowly.

"Try it before your Lola rob your teenage years. Magpakasawa ka hangga't pwede pa," he said.

I saw how my friends wave their hands and laughed together when they saw me with Bryson.

"Itali na 'yan!" one of them shouted shamelessly.

I raised my middle finger to stop them from making a fuss out of it. Si Rodnick ang nangahas na gayahin ako ngunit dahil pinagtinginan ng mga matatanda dahil sa kaingayan nila ay mabilis din siyang sinaway.

"Wala sa isip ko ang pagpasok sa seryosong relasyon, Bryson," baling ko sa kanya habang nakangisi pa dahil sa katuwaan ng mga kaibigan.

"How about that boy you're talking about?"

Kung hindi niya nabanggit si Draven, hindi ko maaalalang pinaghintay ko pala iyon ngayon sa kakahuyan. I sippped on my drink again while thinking about Draven's lowsy kisses.

"Just your toy?" aniya at tinitigan ako nang maigi.

Tinigil ko ang pagsimsim sa inumin para matawa.

"A toy? Ni hindi ko nga iyon masyadong nagagamit! Baguhan pa kung humalik. Parang bata minsan na tahimik at nagtatampo! Paano ko 'yon paglalaruan kung nakakakonsensya din minsan dahil masyadong mabait?" halakhak ko sa aking sarili habang naiiling.

I saw how Lola glanced at us. She's making sure I'm with Bryson. Ilang sigundong namalagi ang titig niya ngunit bumaling din sa kausap habang nasa table pa rin sila.

Muli akong sumimsim sa aking inumin. The whole party is boring! Kung wala ang friends ko rito, si Bryson na nakakausap ko ngayon, baka mas gugustuhin ko nalang na magkulong sa aking kuwarto.

"What if he's falling for you?" si Bryson na kung anu-ano nalang ata ang pumapasok sa isip.

"Then he's fucked. I am not a girlfriend material, Bryson. The holding hands creeps me out. Sa halik lang nga ako nag-eenjoy..."

"You never know..." may laman ang kanyang pagkakasabi sabay pasada ng haplos sa buhok.

Nakita ko ang kapatid kong dumaan. She looked at me coldly and arched her brow. Hindi ko alam paano tityempo para umalis sa totoo lang. Ngunit sa tingin ni Arkaine, parang naghahanda na ito sa pag-alis ko.

"What time is it?" tanong ko kay Bryson.

Inangat niya ang pulso at tiningnan ang suot na relo.

"Eleven forty..."

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Where stories live. Discover now