Chapter 21

48K 1.2K 298
                                    

Sea Without Waves

Alive

Naging talk of the town ang nangyari sa kakahuyan. Bukod doon, noong sinabing si Drystan ang nasa likod ng pagkasunog, wala akong narinig na positibo.

"Mukhang gustong sumunod sa yapak ng ama niyang nasa kulungan..."

"Baka sa sobrang galit sa mga Ferrarin, iyon na ang nagtulak kay Drystan na gawin iyon."

"Sa sobrang galit nila sa pamilyang 'yan, hindi na kataka taka kung bakit ginawa iyon ni Drystan."

Lahat ay naniniwalang si Drystan ang may gawa noon. Kahit noong dumalo ako sa hearing, may parte sa akin ang naniniwala kay Drystan.

Ngunit ano nga bang laban niya sa pamilya namin?

Tumayo ako at naunang lumabas sa loob ng hearing. Kinuha ko ang pakete ng aking sigarilyo nang makasalubong ko si Draven at Trison kasama si Alice.

I saw how Draven's cold eyes looked at me. Ang seryosong mukha ni Trison ay nang-aakusa ganoon din si Alice na galit na galit.

Kumuha ako ng isang sigarilyo at nilagpasan silang tatlo. Hindi ko na kailangang umaktong kaibigan ko pa sila o bumati man lang.

Natawa na lamang ako at napasandal sa pader habang nakaipit sa aking labi ang sigarilyong hindi ko man lang nasindihan. See that, nerd? That's why you need to choose wisely.

May parte sa akin ang nakakaramdam ng pait ngunit may parte rin ang tanggap na ang sitwasyon. Noong nakilala ko siya, wala naman akong ibang hinangad na kung ano sa aming dalawa. At hindi ko rin nakikita ang sariling mananatili sa tabi niya.

The hearing continued. Sa tuwing nagkakatinginan kami ni Drystan, pakiramdam ko ay lumulubog ako sa kumunoy. At sa tuwing napapasulyap si Draven sa akin, parang impyerno ang court at isa ako sa nasusunog.

Draven will never sided the family who accused his brother for an arson attack in the woods. Hindi ko rin hinihingi ang simpatya niya ngayon na intindihin ang pinanggagalingan ng aking angkan lalo na't nasa panig ako ngayon ng katotohanan.

If Ayeselle truly burned the woods for a selfish reason then I won't justify her actions. Ngunit kung hindi man siya, alam kong isa dapat siya sa tinuturong may kinalaman sa pagkasunog noon. And I know she's guilty.

Galit ang tingin lagi ni Alice sa tuwing mapapasulyap siya sa akin. Trison is always the serious type. Si Draven naman, malamig at laging naninimbang ang tingin.

And everytime I looked at him, everytime he glanced back like he's pleading for an answer, gave me a hollow feeling in my stomach.

He's disappointed and mad at me. I understand him. Lalo na't kahit hindi niya ipakita sa akin, hindi man kasing galit tulad ng binabatong tingin ni Alice, alam kong parehas silang tatlo ng nararamdaman. It's like I betrayed them.

"May lead na ba kung nasaan siya?" si Bryson sa Lunes na iyon nang dumalaw sa mansiyon para makibalita.

Umahon ako sa pool at nilapitan ang bilugang mesa sa sun lounger kung saan siya nakahilig. He's wearing shades, black tshirt, and khaki shorts.

Nakita ko ang pagtingin niya saglit sa aking katawan ngunit magkasalubong ang kilay na itinuon ang tingin sa harap.

"I don't know with Lola. But who knows..." kibit ko habang kinukuha ang cocktail drink.

Muli siyang tumingin sa akin.

"You're not worried."

Sumimsim ako habang iniaangat ang aking kilay. I'm worried. Ilang araw akong walang tulog. Ilang araw na tulala, at ilang araw na nag-iisip.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon