Chapter 20

49.3K 1.4K 210
                                    

Sea Without Waves

Condition

"Nasusunog ang ilang parte ng kakahuyan, Donya!" sunod sunod ang sumbong ng mga tauhan na natataranta na sa loob.

Nakita ko ang isa-isang pagbaba ni Arkaine at Ayeselle. I looked at them suspiciously while Lola's behind them, wearing her night gown who's walking down the stairs too.

Lumabas kaming lahat. Nagpautos na si Lola ng bumbero habang tanaw na tanaw sa kinatatayuan ang usok na halos umakyat na patungong langit.

Noong sinabing nasusunog, maliit lang ang iniisip ko. Ngunit nang makitang kumakalat iyon at dumidilim lalo ang dulo, napagtanto kong malaki laki nga ang sunog.

I remembered the familiar smell. Taka kong nilingon ang parte kung nasaan si Arkaine at Ayeselle. Did she do it? I mean... it was obvious.

Kalmado si Lola ngunit alam kong nababahala siya at nadadala lamang iyon nang maayos. Kita ko ang sunod sunod na pagdating ng mga bombero. Hindi ko halos nabilang at mukhang sapat na iyon para patayin ang sunog na kumakalat.

Tumingala ako at nakitang mas lalong lumalaki ang apoy. Hindi pa nakakarating dito sa mismong harapan ng mansiyon lalo na't sa sobrang lawak ng lupain, hindi iyon ganoon ka daling tupukin ang kabuuang kakahuyan.

Muli kong tiningnan si Lola. Marahil ay problemado na siya at kinakabahan ngunit ayaw lamang ipakita kaya umiinom pa ng wine habang tinatanaw ang lumalaking usok sa ibabaw.

"Where's Abrielle?" biglang tanong ni Lola nang tingnan kami isa isa.

Doon ko rin napansin na wala nga si Abrielle sa paligid. I saw how Ayeselle panicked a bit. Luminga linga siya. Si Arkaine naman ay tila natigilan hanggang unti-unting nataranta ang paghahanap ng kanyang mga mata.

"Shit!"

"A-Arkaine what's wrong?!" si Ayeselle nang nakita si Arkaine na tumakbo patungong rancho.

Oh... fuck!

"Arkaine! Nasaan si Abrielle?!" sigaw ko at patakbong sumunod.

Parang tambol nang humataw ang aking puso. Hindi kailanman nawawala sa compostura si Arkaine. Kaya ngayong nagpapanic, may ideya na agad ako.

Mabilis ang kanyang pagkuha ng kabayo. Kumuha rin ako ng isa habang tinitingnan siyang sumasampa roon.

"Where's Abrielle?!" sigaw ko nang sumampa rin agad sa sarili kong kabayo.

"She's in the woods, Ashtraia!" sigaw niya at mabilis na pinatakbo ang kabayo.

My eyes widened. Para akong kinilabutan. No... That's... that's imposible!

Sumunod ang aking kabayo kay Arkaine. Huminto siya saglit sa harapan nila Lola at kitang kita ko kung paano siya deritsong nagsalita.

"Send another men, Lola! Abrielle is in the woods!"

Nanginig agad si Ayeselle. Tumakbo siya patungo sa akin. Pinabagal ko ang pagpapatakbo sa kabayo at inabot ang kamay niyang inilalahad niya sa akin habang nakikita ang luha sa kaniyang mga mata. Sumampa siya sa aking likuran at mabilis kong naramdaman ang kanyang kaba.

Lola's three times serious now than the usual. Halos utusan niya lahat ng tauhan at may kausap na rin sa cellphone. Pinatakbo agad ni Arkaine ang kabayo papasok sa kakahuyan.

"Arkaine sa daan tayo dumaan!" sigaw ko habang humahabol at pumapantay sa kaniya.

"Baka makasalubong natin siya!"

"Bakit? Kung may dala siyang kabalo, makakalabas agad siya kung sakali—"

"Then what if she didn't bring her horse, Ashtraia?"

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon