Chapter 37

53.7K 1.4K 642
                                    

Ease

Umahon ako at umupo ng tuwid. Hinaplos ko ang basang buhok paatras at hindi na nabilang kung ilang minuto nang nasa bath tub.

Hindi ko alam kung nasa labas pa ba ng kuwarto si Draven. O siguro naghihintay lang din na matapos ako.

This is what you want, right, Ashtraia? Ano na ngayon? Bakit sa tuwing tinutumbasan niya ang gusto mo, marahas kang lumalayo at para bang takot mahuli?

Mariin akong pumikit at nag-isip isip. Noong hindi na mapiga ang utak, saka rin lumabas ang banyo suot ang bath robe.

Nahanap ko siya na nakaupo sa kama. Deritso ang pasok ko sa walk-in.

"If you want to shower then you can use my bathroom," I said.

Noong pumasok ako sa walk-in, doon ko narinig ang pagsara ng pinto ng banyo. Nagbihis ako ng satin na sleeveless at shorts short bilang pantulog pagkatapos magpahid ng lotion.

Binoblower ko na ang buhok ko noong lumabas siya. The white towel I left in the bathroom is already wrapped around his waist. His massiveness while he's inside my room feel so sinful. Hindi ko alam kung gusto ko ba siyang nandito... o mas gusto ko siya sa ibabaw ko.

"That's the only clothes I have. I don't have a boxer," sabi ko at tiningnan ang inihanda kong puting tshirt at gray sweatpants para sa kanya.

"This is fine. Mas magtataka ako kung may boxers ka rito," he raised his brow while picking it up.

"At kanino mo ibibintang? Kay Arthur na naman?"

"Sa lahat ng lalake, siya agad ang nasa isip mo," agresibo ang pagkakasuot niya sa t-shirt lalo gumagalaw ang muscles sa kanyang likod at braso.

At sa tono niya, para akong nangangaliwa rito habang siya ay nag-iilusyong may relasyon kami.

Itinabi ko na ang blower. Kung hindi ko lang nakikita ang tindig niya ay magpapatuloy siguro ako sa pakikipagtalo. I shamelessly look at his butt. Lumingon ang ulo niya at nahuli akong nakatitig. His confidence gleamed in his eyes while pulling the sweatpants up, unfazed with my stare.

He's ripped. The muscles are on the right places. Ngayon ko lang siya mas natitigan kahit hindi ito ang unang beses na nakita kong hubad siya. Even when completely clothed, he can't hide the bulk of his body.

Nagtungo siya sa aking kama. Gumalaw iyon dahil sa pag-upo niya. Tumikhim ako at bumalik sa sarili nang mapagtantong para akong naghihintay na matuklaw.

"Can I sleep here?" nagtatanong pa pero pahiga na.

At itataboy ko pa ba kung nasa kama na siya at nakahiga na?

"Bahala ka," saka ko inayos ang unan at patalikod na humiga.

I felt the warm sheet of the comforter when Draven covered my body. He kissed my exposed shoulder and rested his body against my back.

"You made me worried," namamaos niyang bulong.

Ramdam ko ang init ng kanyang katawan sa likod ko. Nasa loob rin siya ng aking kumot at nakikisalo. I can feel his bulge, and even though it wasn't erect, it felt so thick behind me.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon