Chapter 29

52.2K 1.5K 419
                                    

Warning: SPG

Fuel

"Mukhang magpapaparty pala si Miss Williams, Ma'am..." balita ni Arthur sa akin sa sumunod na araw.

Kakatapos lang ng meeting tungkol sa sales ng hotel. Kakaupo ko pa lang, iyon na agad ang ibinalita ni Arthur.

"Her birthday?" nang mapagtanto kong nabanggit iyon ni Draven kahapon.

"Yes, Ma'am. Mukhang kausap niya kahapon ang isang Hotel event planner at isa ako sa naggiya sa kanya sa mga function halls para matingnan niya. Malaking party ata ang balak niya, Ma'am..."

"When?"

"Baka this week, Ma'am..."

I wonder if Draven would be there on her party? Paano kung nandoon nga siya, Ashtraia? Ayos rin 'yon para makapagconcentrate ako rito sa loob kaysa iyong nandito siya...

Lalo na't kahapon, sa napag-usapan namin, parang lutang ako. Hindi ko man lang mabasa nang maayos ang mga reports na kailangan ko pa iyong ireview ulit nang makauwi ako. At sa dami ng inisip ko kagabi, bumagabag pa sa aking isip kung ano ang tunay na rason ng kanyang ikinilos kahapon.

Draven isn't the type of person who decides out of his lust. He's always the rational type of person. He doesn't let those worldly things get into his senses and act out of the spur of the moment.

Kaya ang pagbibitiw niya ng mga salita kahapon ay medyo pinagdudahan ko. Saan galing ang desisyong iyon? To win my trust? Total iyon naman ang tunay niyang pakay talaga?

Alam niya kung gaano ako kapusok noon pa man. Sa aming dalawa, ako ang mas marahas. Ako ang sumusunggab agad. It was the reason why I corrupted his innocent mind. Marami akong pinagtuturo at pinaggagawa. And he learned from all of it.

My image from the past probably gave him an idea to pursue me through... those things? Lalo na't alam niyang mapusok ako? Na baka isang haplos lang, luhuran ko agad ang gusto niya. Isang haplos lang, manginginig agad ako at papaboran siya.

Dahil sa iniisip ko ay naging masama pa ang gising ko. I was scowling. Kung hindi binanggit ni Arthur na laging magkakasalubong ang kilay ko, hindi ko namalayan na mukha na pala akong galit.

Total sinabi niyang babalik siya, I'll act like those things doesn't affect me anymore! That I am not the Ashtraia from the past! At hindi ko naman siya pinagnanasaan ah? Well you got horny yesterday, mind you? Fine... but because he told me some things and my body heated! Ganoon iyon!

I heard the lock of the door clicked. Umahon ang aking ulo at doon ko napagtantong nandito na ulit si Draven. He's fresh from the bath. He's wearing a royal blue dress shirt this time and gray slacks. Parang hanging iniihip ang aking paninindigan na maging matigas nang makita ang kabuuan niya.

Why is he so hot? Minsan nakakagalit din talaga ang epekto niya sa akin!

I noticed he brought a laptop with him. Pansin ko rin na mas maaga siya ngayon kumpara kahapon. May dinaanan kasi siya kahapon. Ngayon ba... dinaanan niya ulit?

Ibinalik ko agad ang atensyon sa sarili kong trabaho. His scent attacked my nose. Inukupa niya ang upuan sa harap.

"Good mornin'," he greeted and placed the laptop.

"Morning," I greeted back without looking at him.

Tahimik akong nagbasa. I am reviewing the proposed budget plan for the next target sale lalo na't may mga gusto akong idagdag na extentions. It will fund my own plans once I hit the target sale next month.

Abala rin si Draven sa kanyang laptop. He looked so serious while typing. May mga oras na tititig ako sa kawalan habang nag-iisip at wala sa sariling aahon ang kanyang tingin para tingnan ako.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon