Chapter 27

48.2K 1.5K 625
                                    

Mark

I suggested this to Lola shamelessly. Kaya ano ngayon ang problema ko ngayong kay Draven na mismo nanggaling?

I used the pool of the Hotel to cool myself down. Hindi ko alam kung bakit umiinit ang ulo ko at parang gusto ko na namang takasan 'yang inilalapag niyang kondisyon.

Obviously he's confident to say that because he's thinking I might reject his condition. Hindi niya alam... handa akong magpatali na parang asong nauulol noong nakaraang araw sa kanya nang makita ko siya.

Imagine it once you agree with the condition, Ashtraia. Hindi rin naman kayo aaktong hindi mag-asawa! That's the main point why I want the marriage because it's an excuse so I could act as a frigging wife!

Ano lang ako, kung ganoon? Tagabigay ng kape sa kanya? Tagakatok sa opisina niya pag masyado na siyang babad sa trabaho? Tagaayos ng kamang nagusot pagkagising niya?!

Umahon ako sa pool. I walked toward the lounger while squeezing my hair as the water poured down to my body. Dinampot ko ang inihandang cocktail drink ni Arthur at sinipsip ang straw.

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa hapong iyon. Makikita ang pool sa pinakamataas na parte ng Hotel. The hues of the golden sunset can easily be seen kissing the entire green fields. May nakahelerang loungers at sa gilid ay naroon ang Bar counter para sa mga drinks. May mga foreigners na inukupa ang iilang stool. Meron ding mga pinoy na kaedad ko lamang ang iilan at nagpasyang maligo.

Babalik pa kaya 'yon bukas? I'm not expecting for him to show up at my office all the time, but I'm interested how long he'll keep this up. Sinong unang susuko sa aming dalawa? Sinong unang luluhod?

My brows knitted with the last word. Inilapag ko sa bilugang mesa ang iniinom at dinampot ang aking malinis na tuwalya.

I stayed there until the entire sky turned dark. Naging maliwanag ang paligid ng pool area dahil sa umiilaw na pool at ang mga ilaw na nagkalat.

Basa pa ang aking buhok pagkauwi ko sa mansyon. Sa kuwarto ko na pinatuyo pa at sumabay ulit kay Lola sa dinner.

"Are you buying his suggestion?" panimula ni Lola, na iyon ang kating kati niyang itanong sa akin kaya kahit hindi pa nakakaupo nang mabuti, agaran siyang nagsalita.

My movement slowed down. Sumabay ang pag-aangat ng aking kilay sa pag-upo ko nang tuluyan.

"Tingin mo hindi tayo lolokohin no'n?" I tried to sound serious about it.

"Nabasted ka lang..." she said in a serious voice as she started moving her food using her utensils.

"Anong basted? He offered it again, Lola. Pumunta ulit siya sa opisina kanina. And he told me he'll consider it just to earn my trust," I said in a cocky voice as I eyed the food infront of us.

"Kilig na kilig ka naman?" she insinuated.

Umiling ako habang namimili ng makakain.

"Ayoko ngang tanggapin ang kondisyon niya. Baka pag nailagay ang pangalan niya sa titulo ng lupa biglang ipademolish ang Hotel..." sabi ko at ayaw pansinin ang sinabi niya.

"Hmm..." Lola started thinking about it too.

"Maganda naman ang suhestyon niya, na suotin ko ang apelyido niya. Kaso..." I paused while putting some food on my plate.

"Kaso suot lang? Walang hubad?" she continued nonchalantly and sipped on her water.

Hindi talaga humuhupa ang kabastusan ng matandang 'to. Tumikhim ako at ayaw gatungan iyon. As what I've said to myself, I am not desperate to crawl back into his arms. I am not a slave to this love. Kaya kong umalis. Kaya kong tumalikod kung alam kong hindi naman maganda ang dulot sa amin.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon