Chapter 33

49K 1.2K 255
                                    

Tactics

Hindi ako makapaniwala ng ilang minuto. Nasa labas na ako at may security team pang nakabantay sa kilos ko. I don't understand.

Is that the reason why he captive the Armscor's daughter? To supply them with the new designed firearms of Draven? Which means... Trison isn't here for Draven? He's here for the Armscor's daughter?

Hindi... dahil sa lupa? Hindi sila magkasabwat? Trison's main goal is to approach the daughter of the Armscor, to use her to get some firearms.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. My clan's judgements towards his brother, Drystan, flashed on my mind. Mariin akong pumikit nang mapagtantong nauulit ang nakaraan. The judgement I fired against him represented the false allegations my clan made against his brother.

Noong mga panahong inakusahan si Drystan, kahit may alam ako, nanahimik ako at ginamit iyon sa pansariling interes para maibalik kay Draven ang kinuha ni Lola sa kanya.

Sure, I did not take part, but I tolerated my clan's actions by suppressing the truth. Hindi ako nagsalita. Hinayaan kong parusahan ng aking angkan ang inosenteng si Drystan.

My silence created a bridge for their evil deeds to continue. My silence is the grave of these innocent individuals whose lives I could have changed if I had spoken up.

At sa pananahimik kong iyon, naging tulay ito para makatawid si Draven para muli kaming balikan at singilin sa utang na hindi man lang namin nagawang pagbayaran noon.

And it's funny how we always cry for change yet keep our mouths shut when it comes to the truth. If we want some changes then why are we afraid to break the cycle?

We always stay silent for a lot of things. Nananahimik kung pakiramdam natin ay wala tayong alam. Nananahimik kung ayaw nating madamay. Nananahimik para hindi mapagbintangan. Nananahimik dahil takot tayo sa sasabihin ng iba pag lumabas ang madilim na nakaraan. At nananahimik para protektahan ang mga taong maaaring maipapahamak natin kung nagsalita man.

Ngunit sa pananahimik na iyon, naging tulay ng ibang tao para maipagpatuloy ang ating pinagtatakpan. Sa pananahimik na iyon, may mga hustisyang hindi naibigay at mga inosenteng patuloy na nadadamay.

We are so terrified of breaking the cycle that we would rather live in the darkness than live in hope of a brighter tomorrow by making changes.

And now that I am facing the same situation, nauulit ang nakaraan, ang pagbintangan si Draven dahil lamang siya ang nakikita kong nasa likod nito, katulad na lamang ng desisyong ipinataw ng aking angkan kay Drystan dahil lamang nakita siya sa mismong pinangyarihan ng sunog, bumabalik ang tinatakasan ko.

Bumalik ako sa reyalidad nang makitang kumikilos na ang iilan. The elite unit is already on their designated places. May tig dadalawang nakadikit sa pader at pinapagitnaan ang pinto ng function hall, isa sa gilid na nakadapa, at ang mga pulis sa lobby na mukhang signal lamang ang hinihintay.

I saw one of the police officer who hastily went to the control room to probably report something. Sumunod ako at bumuntot nang hindi masyadong nagpapahalata.

Kumatok siya at pumasok. Dumungaw naman ako sa nakabukas na pinto. Draven glanced at the door. Nakapamaywang siya at seryosong kausap ang security nang muling lumipad ang tingin sa akin.

"We have a problem, Sir..." I heard how he reported it to Colonel Chavez.

"We don't know how many perpetrators are in the function hall, Sir," he continued.

Of course! Paano nga naman nila malalaman kung ang tanging nakalabas doon ay ako lamang at si Draven! I scanned the whole place! Ang tanging lumagpas sa aking mga mata ay si Trison lamang!

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon