Chapter 24

44.9K 1.4K 797
                                    

Hot

My memories with him from the past is still vivid yet foreign. Lalo na't sa taong lumipas, ang tanging naiisip ko lamang ay ang dati niyang itsura, ang dating siya.

How did his life went after all these years? Kung Engineer siya, ibig bang sabihin noon, nagbago na rin siya?

He's tall and he's the soft version of his brother—Drystan. He always looked calm yet cold. Ganoon lagi ang hagod niya.

Pinaglaruan ko ang ballpen habang pinapatipa ni Arthur ang mensahe ko na dadaan pa sa abogado bilang pag-aaproba noon. Kakatapos ko lamang iyon isulat sa pormal na paraan kaya medyo natulala na habang mag-isa sa opisina at nakatitig sa laptop na walang makuhang impormasyon kahit isa man lang sa kanya.

Isn't he active on social medias? Ganoon pa rin ba siya ka misteryoso at masekretong tao? He always remind me of the sea. Calm yet deep. Mysterious.

Pumikit ako at inihilig ang ulo sa likod ng upuan. I stopped playing with my ballpen when my last memory with him flashed on my mind again.

At sa lahat ng eksena, ang mismong pumasok pa sa aking utak ay iyong nasa falls kami. The memory was so vivid that my body tingled for a response.

Nasa gitna na ang aking memorya nang biglang may kumatok. Dumilat ako, medyo irita pa nang kaonti dahil nadisturbo ang pahinga habang nakikita ang maingat na pagpasok ng aking sekretarya.

I cleared my throat and shifted to my seat. Seryoso ko siyang tiningnan na papalapit na sa akin.

"Tapos ko na ang ipinapagawa niyo, Ma'am..."

I nodded.

"Set an appointment once they response. At siguraduhin mong hindi ako haharap sa lawyer niya. I want to talk to him personally."

Tumango si Arthur. "Sige po, Ma'am..."

"If he insist to send his lawyer instead then decline it always."

Tumango siyang muli.

"Nasigurado mo ba na nasa letter ang buo kong pangalan, Arthur? That I am the new Manager of the hotel?"

Tumango siya agad. Kumalma ako kahit papaano. Dapat mabasa iyon ni Draven para may ideya siya kung bakit mas matigas ngayon Manager sa mga kondisyon niya.

"Kung nagpakita ba Ma'am... papayag kayo sa kondisyon niya?" kuryoso niyang tanong.

"Hindi rin," I chuckled.

Arthur looked at me confusingly. Maraming naglalaro sa aking isip na mga kondisyon, ngunit wala naman akong balak isuko ang karapatan ng aming pamilya sa Hotel. Yes they owned the land, but the hotel is ours. Kung papayag siyang makipagnegosasyon sa ibang paraan nang hindi nagagalaw ang Hotel, baka... pwede pang... hmm... pagbigyan ko sila sa lupain.

"No, Ashtraia," ani Lola sa pinal na tinig nang ilapag ko sa kanya ang mga kondisyon sa gabing iyon.

We're having a dinner. Kakauwi ko lang, ang naging laman agad ng aming pag-uusap ay iyon.

"Bakit tayo magbabayad ng upa buwan buwan kung atin naman ang lupaing iyon?" Lola said sternly.

"Well... I mean if they went deeper with this case. Ayoko ng hassle, Lola. I hate the hearings. Nakakapagod 'yon."

"We have the title of the Land. Which means we're the owner of the Land now. Kaya wala silang karapatang angkinin iyon basta basta. Kung gusto nilang sumunod sa yapak ng kanilang ama, ang pagtangkaan ang buhay ng isang Ferrarin para lang makuha ang titulo, hala at magsipasok silang lahat sa kulungan!"

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon