Chapter 1.2

349 41 5
                                    

CHAPTER 1.2: Ang Responsibilidad

"Huh? Totoo ba ang iyong sinasabi Xiao²? Ngunit limitado lamang ang aking kakayahan kung sa labas ng Dou City tayo maghahanap." Malungkot na saad ng magandang babaeng si Li Jianxin. Aaminin niyang di siya ganoon kalakas sa mga kapwa awtoridad niya lalo na sa Dou City. Isa pa ay masyadong malabong mangyari na makapunta siya sa labas ng Dou City.

"Oo Ate, ngunit paanong limitado ang iyong mga galaw?!" Nagtatakang wika ng batang si Li Xiaolong habang makikitang tila curious ito sa dahilan ng tinagurian niyang ate.

"Nakakalimutan mo ata Xiao² na naglilingkod ako hanggang sa kasalukuyan sa Hollow Earth Kingdom at kami ang naatasang mamahala sa kaligtasan o anumang aktibidad ng Green Lotus Pavilion habang inaayos pa ang lahat ng mga bagay rito." Pagdadahilan naman ni Li Jianxin. Ayaw niyang magpaligoy-ligoy o magsinungaling kay Li Xiaolong dahil baka dumagdag pa siya sa problema nito. Hindi iba sa kaniya ang batang si Li Xiaolong at pinapahalagahan niya rin ito na katulad ng isang tunay na kapatid niya.

"Ganon ba ate? Hindi ba maaaring hiramin muna ang presensya mo upang hanapin ang mga magulang ko?!" Pagpupumilit na turan naman ng batang si Li Xiaolong dahil gusto niyang mahanap ang mga magulang niya o masilayan man lang buhay ang mga ito.

"Hindi maaari ang iyong nais Xiao². Unang-una pa lamang ay alam mong nagkakainitan pa rin ang Tatlong kaharian dahil sa nangyayaring pananakop at digmaan. Mainit pa rin ang mga mata ng Wind Fury Kingdom sa ating mga nabibilang sa Hollow Earth Kingdom." Seryosong saad ng magandang dalagang si Li Jianxin upang i-turn down ang magandang suhestiyon ng batang si Li Xiaolong. Katulad kasi nito ay nag-aalala rin siya sa kalagayan ng Tito Qide, Tita Wenren maging ang kinakapatid ni Li Xiaolong at ang mismong kapatid nito. Wala a siyang ideya patungkol rito ngunit alam niyang may ampon ang mga ito.

"Nakakalungkot naman ate ang balitang ito mula sa iyo. Ano ba ang maaari kong gawin upang makawala ka sa responsibilidad mo mula sa Hollow Earth Kingdom?!" Wika ng batang si Li Xiaolong habang nag-iisip ng malalim patungkol sa plano nito para sa Ate Jianxin niya.

"Ahaha... Xiao², hindi kasi ganoon kadali ang iyong nais. Tsaka matagal na kong tapat na naglilingkod sa Hollow Earth Kingdom kahit na istrikto talaga ang bawat galaw namin ay alam naming hindi kami inaabuso ng nakakataas sa amin. Hindi kasi parang mainit na kanin ito na maaari mo lamang idura o iluwa kapag napaso ka. Ang responsibilidad na iyong isinumpa o pinanumpaan ay kailangan mong gawin kahit na minsan ay mga bagay na gusto nating gawin ngunit hindi natin maaaring gawin." Seryosong sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin. Ayaw niyang paasahin ang batang si Li Xiaolong at ang binabalak nito dahil baka makasama lamang ito sa halip na makabubuti sa kalagayan nila lalo na mismo ng sarili niya. Ayaw niyang paniwalain ang batang si Li Xiaolong sa mga bagay na hindi naman maaari baka maglikha pa ito ng malaking gulo.

"Ganon ba yun Ate? Ayaw ko na palang sumumpa o magkaroon ng responsibilidad hehe." Nakangiting sambit ng batang si Li Xiaolong sa pilyong paraan. Masyado siyang na-occupate ng sarili niyang pamamaraan at gawin itong responsibilidad lalo na sa mga kaharian.

"Hahaha... Ikaw talagang bata ka, ayokong pangunahan ang buhay mo. Musmos ka pa at maaaring balang araw paglaki mo ay maiintindihan mo din ang mga sinasabi ko sa'yo." Wika naman ng magandang dalagang si Li Jianxin ba makikitang tila gusto pa nitong lumaking malaya ang batang si Li Xiaolong at matuto ito sa buhay na gusto nitong lakaran. Siyempre sa hanay ng mapapabuti talaga ito sa halip na mapasama. Gusto niyang matuto itong pumili ng makakabuti rito na siyang gusto rin ng mga magulang nito sa kaniya.

"Basta ayokong magkaroon ng mabigat na responsibilidad katulad mo ate, nakakatakot pala noh. Di mo hawak ang mga kilos mo maging ang kagustuhan mong gawin ay may mga restrictions." Nakangusong turan ng batang si Li Xiaolong habang nakatingin sa direksyon ng Ate Jianxin niya. Ayaw niya kasing matali katulad nito pero desisyon rin naman ng Ate Jianxin niya iyon at wala siyang magagawa pa doon.

"Ano ka ba Xiao². Natural lamang iyon. Katulad ng Kuya Night Spider mo, kagaya ko ay malaki din ang responsibilidad nito sa Wind Fury Kingdom ngunit magkagayon man ay ginagawa lamang nito ang dapat niyang gawin. Naroroon pa rin ang respeto namin sa isa't-isa kahit na iba ang gusto naming gawin." Pahayag naman ng dalagang si Li Jianxin na gusto njyang bigyan ng ideya ang batang si Li Xiaolong sa mga bagay na gusto niyang pahapyaw na ipaintindi rito. Medyo makulit din kasi ito ngunit magaan ang loob niyang makipag-usap sa bata. Naniniwala siyang maiintindihan rin nito ang salitang responsibilidad habang lumalaki ito.

"Ang hirap naman talaga ate ng lagay niyo. Kamusta na si Kuya Night Spider? Lumakas ba siya ng tuluyan?!" Tanong ng batang si Li Xiaolong habang nagtataka ito ng mabanggit nito si Kuya Night Spider niya. Alam niya ay magkasundo ang ate niya at kuya-kuyahan niya kaya gusto niya ring malaman ang lagay nito. Hinahangaan niya ang kuya niyang ito noh.

"Ewan ko Xiao². Mukhang lumakas na rin ito ng tuluyan. Balita ko ay tumanggap ito ng delikadong misyon kaya hindi nito nabalitaan ang nasabing nangyaring kaguluhan sa pagitan ng mga kaharian pero alam kong nakarating na rin sa kaniya ang nakakabahalang balita. O siya tumayo ka na  diyan at lumabas na." Seryosong sagot naman ni Li Jianxin na animo'y hindi na rin ito nagtataka sa itatanong ng batang si Li Xiaolong. May pinagsamahan rin naman kasi ang mga ito at di niya na rin nakita pa ng personal si Night Spider matapos nilang maglakbay noon. Halatang naging abala na ito na ganon rin naman siya.

"Mabuti naman ate kung gayon ngunit ayoko ate na lumabas." Seryosong saad ng batang si Li Xiaolong. Ayaw niya talagang lumabas para ano, upang husgahan at ituring na halimaw. Bakas ang takot sa mata ng mga taong minsan na niyang nakasalamuha sa labas ngunit dumistansya ang mga ito sa kaniya na animo'y takot na takot.

"Bakit naman?! Ayaw mo bang makita ang sobrang laking lupain ng Green Lotus Pavilion?! Sobrang ganda at lakas na ang dating lugar na tinulungan mong bumangon Xiaolong." Wika ng magandang dalagang si Li Jianxin habang nakatingin sa direksyon kung saan naroroon ang batang si Li Xiaolong.


IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon