Chapter 1.11

319 52 3
                                    

Kumbaga binibiyan niya lamang ito ng ideya na hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na umunlad at mas lalong pili lamang ang binibigyan ng atensyon. Kung mamalasin ka, wala kang magandang kinabukasang naghihintay sa'yo.

Naiintindihan ko magandang binibini. Ngayon ay pinapalaya na kita." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang bigla na lanang naramdaman ng kaginhawaan ang magandang dalagang si Mèng Shuchun. Wala na ang nararamdaman niyang pwersang tila hawak-hawak siya sa leeg.

Ngayon ay nararamdaman niya na ang buong paligid niya lalo na ang koneksyon niya sa mismong katawan niya at ng mundo sa labas ng misteryosong lugar na ito.

"Ngsyong nakalaya na ko mula sa pagkakakulong ko sa misteryosong lugar na ito bata, Ito ang aking nasagap mula sa mga kasalukuyang kagananapan patungkol sa pamilyang mahalaga sa buhay mo. Sana ay makatulong sa'yo upang mabawasan ang bigat ng loob mo." Sambit ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang mabilis na nagliwanag ang kanang mata nito.

Isang tila malaking pabilog na bagay ang lumitaw sa ere. Noong una ay medyo malabo pa ito hanggang sa luminaw ng luminaw ang mga imaheng nakikita nila lalo na si Li Xiaolong.

Nakaramdam ng saya at kaginhawaan naman ang puso't-isipan ni Li Xiaolong patungkol sa alalahaning patungkol sa pamilya niya.

Kitang-kita ang maayos na kalagayan ng mga ito habang nakatira sa isang may kalakihang bahay.

Ang labis na ikinapagtataka niya lamang ay wala si Li Zhilan roon at animo'y parang nakaramdam siya ng kaba ng mapagtanto ito.

Nang matapos ang nasabing paglitaw ng mga imahe sa ere ay bakas ang palaisipan sa isip ng batang si Li Xiaolong lalo na patungkol sa kinakapatid nito.

"Matanong ko lang Binibini, bakit wala ang kapatid ko? Wag mong sabihing pinaslang nila si Li Zhilan." Seryosong tanong ng batang si Li Xiaolong habang manlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa magandang dalagang si Mèng Shuchun sa hindi kalayuan.

"Wag lang mag-aalala bata, ligtas ang kapatid mo. Minarkahan ko ang katawan niya kaya alam kong buhay na buhay siya. Isa pa ay hindi kami tumatanggap ng misyon para paslangin ang gusto naming dalhing nilalang patungo sa Vermilion City." Natatawang sambit ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang makikitang siguradong-sigurado ito sa sinasabi nito.

"Eh bakit hindi mo man lang makita ang kinalalagyan ng kapatid kong si Li Zhilan?! Sa taglay mong pambihirang mga mata ay siguradong matutunton mo siya." Seryosong wika ng batang si Li Xiaolong hababg gusto pa nitong tanungin ang mga bagay patungkol sa kinakapatid niyang si Li Zhilan.

"Limitado lamang ang kakayahan ko bata at isa pa ay ramdam kong may proteksyong pumipigil sakin upang makita ang kinaroroonan nito ngayon." Seryosong tugon ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang makikitang may lungkot sa mga mata nito. Wala siyang magagawa dahil ganoon naman talaga eh, hindi siya sobrang lakas sa kasalukuyan at may limitasyon ang abilidad ng pambihirang mata niya na tinatawag na Vermilion Eyes.

"Naiintindihan ko magandang binibini. Pasensya na pala sa nagawa ko noon sa'yo hanggang sa kasalukuyang pagkakakulong mo rito sa loob ng pambihirang lugar na ito. Sana ay pakibantayan ng lagay ng magulang ko sa loob ng Vermilion City hangga't hindi pa ko nakakapunta roon." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong habang mahihimigan ang pakikiusap sa tono ng pananalita nito. Halatang mahalaga at may pagpapahalaga siya sa pamilyang meron siya kahit na malayo ito sa kaniya.

"Makakaasa ka batang Xiaolong. Mabuti naman at nakabalik ka na sa senses mo. Masyadong magulo ang mundong ito at ikinalulungkot ko ang sinapit ng Li Clan niyo at ang pagbanago sa Green Martial Valley Union. Ngunit tigin ko ay mas nakakabuti iyon lalo na at di kayo masyadong naapektuhan ng digmaan sa magkabilaang panig." Masayang tugon naman ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang makikitang tunay ang nararamdaman nito sa malaking pagbabagong naganap matapos ng digmaan noon na hindi rin naman nagtagal.

"Maraming Salamat magandang binibini. Inaasahan ko ang iyong mga sinabi. Ngunit may isa akong tanong na bumbagabag sa aking isipan. Paano'ng nakalabas ka sa lugar na ito gayong sa pagkakatanda ko ay nakakulong ka rito noon." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang labis itong nagtataka. Hindi siya nagkakamali noon na si Mèng Shuchun ang nakasalamuha niya bago siya mawalan ng malay at natunghayan niya kung paano ito lumaban ng harap-harapan sa marahas na kalaban nila.

"Total ay aalis rin naman ako at ayaw kong maglihim ay tinulungan ako ng isang boses. Isang malumanay na boses ng isang babae na siyang nagbigay daan sa akin upang matulungan ka noon sa problemang kinakaharap mo lalo na ang pagharap sa isang Beast Tamer na may mapamuksang alagang Ocean Black Bat. Hindi ko siya kilala ngunit may ideya na ko kung sino ito." Sambit ng magandang dalagang si Mèng Shuchun kay Li Xiaolong habang mabilis na natuon ang mga mata nito sa isang estatwang bato ng babae sa hindi kalayuan na tila nakangiti ngunit may luha sa mga mata nito.

Nang matapos na maunawaan ng batang si Li Xiaolong ang sinabi ng magandang dalagang si Mèng Shuchun ay alam niya at may ideya na siya kung sino ang tinutukoy nito. Ito ay walang iba kundi ang magandang babaeng walang pangalan, ang spirit artifact ng lugar na ito na siyang nagbigay sa kaniya ng mga bagay na hindi niya sukat aakalain.

Hindi niya alam kung ano ba ang gustong ipahiwatig ng magandang babaeng walang pangalan na nabubuhay ng ilang bilyon sa mundong ito at kung paano nitong nalaman ang lagay niya. Tunay ngang isa ito sa tunay at maaasahang nilalang na nakilala niya. Makailang ulit siya nitong kinausap, binigyan ng payo at mga pamamaraan upang lumakas at magpalakas.

Nagmistula itong pangalawang guro niya liban sa mga magulang niya at sa matandang lalaki na minsan niya ng nakita ilang taon na rin ang nakakalipas.

"Maraming Salamat magandang binibini sa iyong tulong. Ipinapangako kong tutulong ako sa mabigat na problemang kakaharapin mo sa hinaharap. Masasabi kong malungkot man ang sinapit kong kapalaran ngayon ay aasahan mong makakapunta ako ng Vermilion City sa lalong madaling panahon at makikita ko rin ang mga mahal ko sa buhay." Seryosong saad ng batang si Li Xiaolong habang sinasabi ang mga pinakangako niya ng may ngiti sa mga labi nito. Halatang gusto niyang tuparin itong mga sinasabi niya. Alam niyang hindi magiging madali ito para sa kaniya na gawin ngunit naniniwala siyang magagawa niya ito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now