Chapter 3.2

302 53 4
                                    


Pansin ng batang si Li Xiaolong ang mga masasamang tingin ng mga nilalang mula sa malayo. Pagak na lamang na natuwa ang loob ng batang si Li Xiaolong dahil alam niya kung anong mga klaseng estudyante ang nakatingin sa kaniya. Walang iba kundi ang mga repeaters.

Isa ito sa dapat niyang paghandaan lalo na at tanyag ang kaniyang sarili sa lahat kaya siya ang magiging pangunahing target ng mga ito kung sakaling makapasok na sila sa loob ng portal.

Maya-maya pa ay bigla na lamang humawi ang mga estudyanteng nakatumpok sa gitna kanina at nakita nilang lahat ang paglitaw ng naglalakad na isang ginang na kung hindi nagkakamali si Li Xiaolong ay isang guro ito sa Cosmic Dragon Institute.

"Si Mistress Nüying nga ito. Hindi ko aakalaing ang terror na guro pa ang magiging guro namin sa pagtraining namin sa buong durasyon ng unang taon ko rito." Seryosong saad ng batang si Li Xiaolong sa isipan niya lamang. Makikita ang agam-agam sa mukha nito. Hindi maipagkakailang nagulat si Li Xiaolong sa bagong guro na hahawak sa kanila.

Sinong hindi masisindak sa tanyag na isa sa pinakaistriktong guro na inaayawan ng mga estudyante dahil sa attitude nito sa pagtuturo.

Kung hindi sila nagkakamali ay lalaking guro ang naghahandle sa kanila na ayon na rin sa kanila ay mabait ito sa mga bagong mga estudyante ngunit mukhang malas lamang nila dahil na rin sa terror na si Mistress Nüying.

Parang maamong tupa ang lahat at walang naglakas loob na magbulong-bulungan dahil kitang-kita ng lahat kung paano naningkit ang mata ng ginang ng ilibot nito ang paningin nito sa kanila.

Buti na lamang at alerto ang lahat at walang maririnig na ingay liban na lamang sa tunog na nililikha ng hanging dumadami sa mga roba ng mga naririto.

"Magandang Umaga sa inyong lahat mga bagong estudyante ng Cosmic Dragon Institute. Ako nga pala si Mistress Nüying, ang temporaryong hhaawak sa inyo dahil merong mahalagang inaasikaso si Mistre Yunru. Mabuti naman at mukhang disiplinado kayo hindi kagaya ng mga previous batch ng mga estudyanteng nakatikim ng hagupit ng aking pagtuturo." Seryosong saad ni Mistress Nüying habang makikitang gusto nitong i-emphasize ang pagtataka sa mukha ng mga estudyanteng naririto which is acceptable naman. Wala nga siyang pangalan doon sa mga schedule na meron ang mga bagong estudyante ng Cosmic Dragon Institute.

[Mistress- Babaeng guro  ; Mistre -Lalaki guro]

Maya-maya pa ay may lumitaw na isang malaking bato sa kamay nito na siyang ikinasinghap ng halos lahat. Ito kasi ang isa sa mga pambihirang batong hindi makikita lamang ng basta-basta ng sinuman.

"Maaaring nakita na ng iba ang malaking batong ito na tinatawag na Mystic Energy Stone. Naglalaman ito ng masaganang enerhiya na siyang may kakayahang buksan ang portal na iyan. Ngunit kinakailangan na mai-activate ito bago ito gumana. Magtuturo ako ng mga estudyante rito at kung hindi niyo mapapagana ang Mystic Energy Stone na ito sa Portal ay walang magaganap na outdoor training!" Seryosong wika ni Mistress Nüying habang nakatingin sa lahat ng mga estudyanteng naaabot ng tingin niya.

Kitang-kita naman sa mukha ng lahat ang labis na pagkabahala at lungkot. Nagsimula ng mag-ingay ang lahat dahil hindi na nila mapigilan pang

Napansin ni Li Xiaolong na tila nagbibilang pa ng oras ang nasabing guro nilang si Mistress Nüying, siguro ay binibigyan pa nito ng oras ang mga estudyante upang solusyunan ang problemang gusto nitong ang mismong sila ang gumawa ng solusyon.

Li Xiaolong find it really difficult for those students. Tanging ang mga ekspertong may kaalaman lamang o ang mga inscriptionists lamang ang makakapag-activate ng mystic energy stone na iyon.

Nakita ni Li Xiaolong na mukhang unreasonable ang ginang na ito. Grabeng pressure ito para sa kanilang mga baguhan. Kitang-kita niya kung paano siya tingnan kanina ng guro nila. Mukhang sinusubukan siya nito.

Ang mas malala pa ay kahit siguro siya ay mahihirapang i-activate ito dahil sa hindi naman talaga siya masyadong malakas sa pag-decipher ng mga ganitong klaseng pambihirang bato.

Maalam man siya sa paggawa ng talisman ngunit hindi naman ibig sabihin nun ay eksperto na siya sa pag-inscribe ng mga patterns. Ang malala pa ay hindi siya maaaring magkamali dahil doble ang balik nito sa kaniya and one can get crippled if not careful.

Li Xiaolong prepared himself at inobserbahang maigi ang mga visible patterns na nakikita niya gamit ang sarili niyang kaalaman sa enerhiya. First time niyang gagawin ang bagay na ito at sisiguraduhin niyang makakapagtraining sila ngayon dahil malaki ang impact nito para makapasa sila ngayong taon. Ayaw niyang maging kabilang sa tinatawag na repeaters. Ilang daan din kasi ang mga repeaters dito kaya imposibleng di niya masasagupa o makikita ang mga ito sa loob ng nasabing training ground.

Isa pa sa pinaghahandaan niya ay ang patayan na mangyayari sa loob though it is training ground but it is actually a hunting ground. Walang bawal doon at lahat ng makukuha mo ay sa'yo na. Law of Jungle is really visible and you can't trust anyone except for yourself. Mahirap magtiwala sa kahit na sinuman kaya nga walang halos nakikipagkaibigan rito na mga estudyante liban na lamang kung kakilala nilang lubos.

Maya-maya pa ay nagtawag na si Mistress Nüying ng mga estudyante upang i-activate ang nasabing mystic energy stone na nakalagay sa tuktok ng pabilog na portal ngunit halos lahat ng mga tinawag niya ay walang nagawa upang tuluyang i-activate ang nasabing portal.

Bilang kaparusahan ay hindi makakapagtraining ang mga natawag na estudyante sa araw na ito.

Mahigit apatnapo na ang piniling mga estudyante ni Mistress Nüying ay wala pa ring makapag-activate ngunit wala pa rin talaga.

"Ikaw, Tumayo ka rito!" Malakas na sambit ni Mistress Nüying ng pasigaw habang tinuturo nito ang kinaroroonan ni Li Xiaolong.

Hindi naman mapigilang magulat ni Li Xiaolong nang mapansin niyang siya pala ang tinuturo nito.

Wala namang pag-aalinlangan na maglakad si Li Xiaolong sa tapat ng nasabing pabilog na portal. Nang malapitan niya ito ay saka niya lamang napagtanto na sobrang laki pala nitong portal na ito. Talagang ginawa ito at nakita niya pang may nakaukit na simbolo sa palibot nito. Tunay na malakas na eksperto ang gumawa nito sa tulong ng isang napakahusay na inscriptionists ay nagawa itong portal na ito.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Li Xiaolong at sinimulan ng i-decipher at tanggalin ang mga naka-inscribe na mga simbolo sa mismong Mystic Energy Stone.

Wala pang limang minuto ay natapos na ni Li Xiaolong na pawalain ang mga nakabalot na simbolo sa Mystic Energy Stone na siyang biglang nagliwanag ng malakas.

Narinig pa ni Li Xiaolong ang saya sa tinig ng mga kapwa niya estudyante bago pa siya pwersahang  higupin ng nasabing pabilog na portal patungo sa loob nito.

Unti-unting naglaho ang naririnig niyang mga tinig at pawang kadiliman na lamang ang bumalot sa kaniya at parang umiikot-ikot siya sa walang katapusang loop ng nasabing lagusan.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon