Chapter 1.4

304 45 2
                                    

Pinagtitinginan ng mga taong nadaraan ng batang si Li Xiaolong dito sa loob ng Green Lotus Pavilion. Masasabi niyang masasama ang tinging ipinupukol ng  mga ito sa kaniya habang nakasakay siya sa likod ng Three Stripe Blood Snake na siyang isa sa Soul Contracted Beast niya habang kasama-kasama niya ang Water Esk na siyang makikitang nakasunod lamang sa kanila.

Nagkukumpulan naman at unti-unting dumami ang mga matang nakatitig sa batang si Li Xiaolong ngunit halatang may halong takot ang mga ito sa kaniya. Hindi maipagkakailang mayroong takot na tinatago ang mga ito at hindi lamang siguro iyon dahil napagsabihan rin sila ni Ginoong Li Mo kaya tikom ang mga bibig ng mga ito.

Hanggang tingin lamang ang maaaring ipukol nila sa batang minsan na ring nag-anyong demonyo sa mga mata nila kaya kabigla-bigla talaga sa mga ito ang nangyari.

Naiiling na lamang si Li Xiaolong sa mga naiisip niya. Malamang ay binabalit ng misteryoso ang katawan niya. Maaaring may kinalaman din iyon sa pagkawala ng malay niya at pagbabago ng lakas na meron siya. Kung gayon ay delikado nga ang katulad niya.

Mistulang bumuka naman ang nagsisiksikang mga tao upang padaanin ang dambuhalang halimaw na ahas kasama ang batang si Li Xiaolong maging ang Water Esk na nakasunod lamang sa kinaroroonan nila.

Whoosh!

Isang pigura ng isang batang nilalang ang bigla na lamang lumitaw sa harapan ng batang si Li Xiaolong habang makikitang pamilyar ang mukha nito sa kaniya.

Buti na lamang at sa himpapawid ito at agad na nakabawi ng composure ang batang si Li Xiaolong kaya hindi nito napigilan niya ang Three Stripe Blood Snake na atakehin ang nasabing nilalang.

Mabilis siyang bumaba sa likod ng Three Stripe Blood Snake at naglakad patungo sa kinaroroonan ng pamilyar na nilalang na si Li Gumu hanggang sa nagkatapat na sila nito.

Kasama rin sa nagulat ay ang mga mamamayan ng Green Lotus Pavilion sa nagulat lalo na at alam nila kubg sino ito. Mahina ang mga itong nagbubulungan ngunit rinig pa rin ng batang si Li Xiaolong ang mga pinagsasabi ng mga ito.

"Si Li Gumu yan diba? Ano'ng ginagawa niya rito?!"

"Malamang ay nakarating na rin ang balita mula sa kaniya ang paglabas ng batang salot na yan!"

"Maghunus-dili ka, wag mong tatawagin ang batang yan kung ayaw mong maparusahan!"

"Tama naman ang sinasabi niya eh, hindi lang salot ang batang yan kundi isang demonyo!"

"Malamang ay susubukan ni Li Gumu ang lakas ng salot na yan!"

"Hindi kakayanin ni Li Gumu ang batang may sa demonyo ang lakas na yan!"

Tila bago pa magsalita ang iba pa ay nakita ng batang si Li Xiaolong na tiningnan ni Li Gumu ng matalim ang mga nagsasalita laban sa batang si Li Xiaolong.

Napatahimik naman ang lahat at nagsitayo sa kanilang kinaroroonan ng tuwid. Tila ba nagbehave bigla ang mga ito na animo'y mga masunuring bata.

"Magandang araw Li Xiaolong. Ako si Li Gumu. Paumanhin sa inasal ng mga iyan dahil inggit lamang sila sa taglay mong lakas!" Magalang na sambit ng batang si Li Gumu sa kapwa niya batang si Li Xiaolong. Makikitang mas higit na matangkad ang batang si Li Xiaolong rito kahit na ang edad ng mga ito ay hindi nagkakalayo.

Nagulat naman ang batang si Li Xiaolong sa inasal ng batang si Li Gumu kaya hindi niya mapigilang magsalita.

"Ginulat mo ko dun ah. Akala ko ba ay lalabanan mo 'ko haha." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang napakamot pa ito sa kaniyang sariling batok.

Tila namutla naman ang batang si Li Gumu sa kaniyang kinaroroonan nang banggitin ito ng batang si Li Xiaolong sa kaniya. Mabilis naman siyang nagsalita matapos makarecover sa pagkagulat.

"Alam mong hindi kita kakayanin Li Xiaolong. Naikwento na rin ni itay ang iyong nakakakilabot na lakas na maging siya ay napahanga mo rin. Isa pa lamang akong Early Xiantian Realm Expert, malayo sa iyong sariling pag-unlad." Nakangiting saad ng batang si Li Gumu habang makikitang tila lungkot sa mga mata nito. Halatang naiisip nitong napag-iwanan siya pagdating sa lakas at cultivation.

Nakaramdam naman ng habag ang batang si Li Xiaolong sa kaniyang kaedaran na si Li Gumu. Although hindi sila close nito ay alam niyang mabuti at magiging mabuting indibidwal ito sa hinaharap. Kaya lang ay ramdam niyang gusto siya nitong higitan pa na hindi naman niya maipagkakailang isang mabuting pamamaraan upang lumakas at umunlad pa lalo ito.

"Masyado mo naman akong pina-flutter Li Gumu. Talagang napakabuti mo sa akin lalo na ng ama mo." Sambit ng batang si Li Xiaolong at mabilis na inilabas ang isang yukot na papel sa kamay nito.

Nagtataka naman si Li Gumu sa naging kilos ng batang si Li Xiaolong lalo na at nasa gitna pa rin sila ng daan. Malayo pa sa mismong kinaroroonan ng nasabing pupuntahan ni Li Xiaolong.

Agad na gumuhit si Li Xiaolong ng mga kakaibang simbolo habang lahat ay takang-taka naman sa mga ginagawa nito maging ang batang si Li Gumu. Makikitang tila tumagal ng tumagal ay parang naiinip ang mga nanonood na mga mamamayan ng Green Lotus Pavilion.

"Ano bang ginagawa ng batang salot na yan?! Wala akong maintindihan!"

"Ikaw lang ba? Ano bang ginagawa nito kasama pa si Li Gumu na iniistorbo nito!"

"Ewan ko ba kay Li Gumu at nakikipag-usap pa sa batang may sa demonyo na iyan!"

"Talagang likas na mabuti talaga ang anak ni Ginoong Li Mo kaya namana ito ng anak niyang may taglay na lakas at abilidad nito!"

"Tama ka sa sinabi mo, masyado ng pahamak iyang paslit na yan!"

"Wala talagang dulot ang batang Li Xiaolong na iyan. Porket naging opisyales ang mga magulang nito noon ay hindi ako natatakot sa isang yan!"

"Ulila na ang paslit na yan kaya wala ng dapat katakutan!"

Sa pangalawang pagkakataon ay tiningnan ng matalim ng batang si Li Gumu ang mga nilalang na nagsasalita ng ganito kay Li Xiaolong. Kung siya siguro ang sa kalagayan ni Li Xiaolong ay baka pinaslang niya na isa-isa ang mga ito ngunit ayaw niyang ipahamak ang ama niya dahil sa kabalbalan niya na naiisip niyang gawin.

Sabi pa naman ng ama niya na umayos siya kahit na pinupuntirya ng iilan sa labas ng angkan ng mga Li ang batang si Li Xiaolong dahil alam naman nilang hindi nila maaapi ito sa harap ng ama niya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang