Chapter 3.9

311 48 4
                                    


Nakita ni Li Xiaolong ang sarili niyang nasa isang masukal na espasyo ng kagubatan. Hindi niya aakalaing maliligaw siya nang subukan niyang lumabas sa nakakalitong lugar na ito.

Never in his entire life expecting that this place is a wide place to venture. Alam niyang nagtataka rin ang lahat patungkol sa paglitaw lamang ng kagubatang ni minsan ay hindi nakasaad sa mapa ng lugar na ito.

Ngayon ay nakatingin siya sa isang malaking lugar na nakita niyang nakatirik sa gitna ng kagubatan. Kapansin-pansin na kakaiba ito lalo na at walang sinuman ang magbabalak na magtayo ng estraktura sa nasabing lugar na ito liban na lamang kung isa itong tirahan ng malakaas na mga nilalang o grupo ng mga indibidwal.

Isa sa napansin niya ay ang pagala-galang iilang mga nilalang na hindi niya mawari kung ano ang mga ito lalo na at sa unang tingin ay ordinaryong nilalang lamang ito na kahawig ng tao ngunit kung pagmamasdang mabuti ay hindi naman talaga mga tao.

Kulay itim ang balat ng mga ito habang ang mukha ng mga ito ay pawang ilong at nakakatakot na bibig ng mga itong tumutulo ang itim na itim na laway ng mga ito. Ang mas nakakapagtaka pa rito ay walang kahit anumang mata ang mga ito.

Sa ganitogn senaryo pa lamang na tanaw na tanaw niya sa malayo ay mga eyeless humanoid demon ang mga ito na karaniwang makikitang naninirahan sa gitna ng kagubatan.

Ang uri ng mga nilalang na ito ay napapabilang sa mga uri ng mga demonyo o sa mga demon clans. Matagal ng napatunayan na laganap ang lahi ng mga demonyo sa mundong ito at namumuhay ng hiwalay sa mga tao dahil sa mga di makataong gawain ng mga ito lalo na sa mga pamamaraan ng pagkain at pagpatay ng mga ito sa mga ordinaryong mga nilalang kagaya ng mga tao at buhay na mga hayop na kinikitil ng mga ito.

Isa pa sa mga kinatatakutan at kinaaayawan ng mga ito sa mga demonyo ay ang paggawa ng mga ito ng ipinagbabawal na bagay kagaya ng mga demon curse, demonic spells, demonic cultivation at iba pa na sumisira sa balanse ng mundong ginagalawan ng mga nabubuhay na mga nilalang sa mga lugar sa iba't-ibang parte ng kalupaan o katubigan.

Li Xiaolong is aware of this kind of situation. Alam niyang kailanman ay hindi basta-bastang mapapasok niya ang lugar na siyang kuta ng mga demonyo katulad ng eyeless humanoid demon na nahanap niya sa gitna ng kagubatan na ito. Wala mang mata ang mga uri ng demonyong ito ay matalas ang pandinig ng mga ito.

Although they have nose, wala itong silbi sa kanila dahil sa matapang na amoy ng laway ng mga ito na nagpipigil sa pang-amoy nila  sa paligid.

Agad na lumingon si Li Xiaolong sa isang direksyon kung saan kanina niya pa nakitang may mga nilalang na mga katulad niyang tao na kanina pa nakamasid sa kuta ng mga eyeless humanoid demon. Kapansin-pansin na kanina pa ang mga itong pabalik-balik na animo'y mayroong ginagawa sa loob ng lugar na iyon.

TCCCHHH!

Isang malakas na lumalagitnit na tunog ang narinig ni Li Xiaolong sa pwesto ng tinitingnan niya na siyang ikinabulabog ng lugar na ito nang mapansin niyang hudyat na umatake na  ang mga nilalang na ito sa mismong kuta ng mga eyeless humanoid demon na siyang hindi niya inaasahan na mangyari agad-agad.

BANG!

Mabilis na sumabog ang isang parte ng bahay ng eyeless humanoid demon na siyang dahilan upang isang nakakapangilabot na tunog ang pinakawalan ng mga uri ng demonyong ito.

Shhhhrrrriiieeeccckkkkk!

Kitang-kita ni Li Xiaolong kung paanong umatungal ang mga ito ng pagkalakas-lakas at nakita niya kung paano lumitaw ang naglalakihan at nagtatlasang mga pangil ng mga eyeless humanoid demon na kilala din bilang mga Meckon Demon.

Ngayon niya napansin na mukhang mali ang pamamaraan ng kung sinumang nilalang na umatake sa bahay ng mga Meckon Demon na ito. Sa mga uri ng eyeless humanoid demon ay ang mga Meckon Demon ang pinakamahina sa mga ito ngunit ang bilang ng mga ito ay maituturing na pinakamarami dahil sa pagiging carnivorous at masyadong territorial ang mga ito.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakakita si Li Xiaolong ng isang demonyo na tinatawag na Meckon Demon na minsang pumukaw sa atensyon niya noong puro aral lamang ang inaatupag niya sa loob ng Cosmic Dragon Institute. Ngayon niya lamang napatunayang mukhang magiging delikado ang buhay ng sinumang lalaban ng harap-harapan sa mga Meckon Demon dahil sa bilang ng mga ito.

Tzzz! Tzzz! Tzzz!

Ramdam ni Li Xiaolong ang mumunting pagyanig ng lupa na siyang tinatapakan niya maging ang mainit na tensyong maaaring magpasimula sa labanan sa pagitan ng mga nilalang na mga tao laban sa mga eyeless humanoid demon, Meckon Demon to be exact.

Napangiti na lamang si Li Xiaolong dahil sa pangyayaring ito. He really knows that he don't want to meddle things that he can't even handle.

Hindi niya kakayanin ang bilang ng mga Meckon Demon lalo na at mukhang tuluyan ng nagalit ang mga ito dahil sa pagbulabog ng kung sinuman sa tahanang pinamamahayan ng mga ito.

Hindi nga nagkamali si Li Xiaolong sa kaniyang sariling ekspektasyon dahil kitang-kita niya ang mabilis na paglabas at paglitaw ng mga hukbo-hukbong mga Meckon Demon habang makikitang sumusugod ang mga ito sa iisang direksyon.

Cannibalistic ang mga ito at matalas ang pandinig ng mga ito kaya alam ni Li Xiaolong na hindi makakatakas ang mga sumubok na pinsalain o gambalain ang tirahan ng mga eyeless humanoid demon na ito.

Li Xiaolong make himself hidden from the surroundings sa pamamagitan ng pagkubli ng enerhiya niya to avoid himself getting involved to those individuals who carelessly attack Meckon Demon. Hindi alam ng mga ito na sobrang delikado ng ginawa nila, malas pa nila dahil mga meckon demon pa ang mga ito.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Kitang-kita ni Li Xiaolong ang paglitaw ng maraming mga martial artists sa himpapawid na pamilyar sa kaniya ang mga ito dahil alam niyang mga kapwa-estudyante niya ang nagbalak ng paggambala pala ng tahanan ng mga mababangis na demonyong ito.

Hindi naman maganda ang pakiramdam ni Li Xiaolong sa mga oras na ito lalo na at ilang minuto lamang ay mangagpang-abot na ang dalawang panig.

TAH! TAH! TAH!

Li Xiaolong amazed how agile those Meckon Demons are. Maliliksi at mabibilis ang galaw ng mga itong tumatalon-talon sa nagtatayugang mga  puno na siyang dahilan upang mabilis na nakarating ang mga ito sa nanggambalang mga nilalang sa kanila.

Bilib din si Li Xiaolong sa tapang ng mahigit limampong martial artists na ito upang labanan ang mga human demons na ito.

Li Xiaolong smiles devilishly ng maalala niyang mukhang may binabalak ang grupong ito na makuha ang yamang pinakainiingatan ng mga Meckon Demon at ito ay ang mga natural na gawa ng mga ito na mga pambihirang blood essence.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now