Chapter 4.1

297 46 2
                                    


Sumusobra ka na Little Devil! Ang yabang-yabang mo!" Malakas na wika ng isang repeater habang madilim ang tinging ipinupukol nito kay Li Xiaolong. Halatang nayayabangan siya sa inaasta ngayon ni Little Devil.

Para kasing pinapamukha sa kanila na siya na ang pinakamagaling at pinakamalakas sa lahat ng baguhang estudyante.

"Basura? Mukhang nilipad ata ng hangin ang utak mo dahil hindi isang trial ang reyalidad Little Devil. Ngayon pang nandito ka sa harap namin? Tingin mo ba ay makakaalis ka ng buhay sa mga kamay namin?!" Sambit ng isang repeater habang kitang-kita na namumula ang mukha nito sa labis na inis habang nakatingin kay Li Xiaolong.

Hindi kasi niya maaatim na hamakin lamang sila ng sinuman lalo na ng baguhang estudyante. Pero nag-iingat pa rin sila sa maaaring gawin ng pesteng Little Devil na ito sa kanila. They knew already na kayang-kaya nitong pumaslang ng walang pag-aalinlangan katulad nila.

Nagkatinginan naman ang nasabing repeater sa isa pang repeater na animo'y nagsusukatan ng tingin. Kung hindi nagkakamali ng pagkakaalaala si Li Xiaolong ay ito ang nagsisilbing lider ng nakaharap niya kanina.

"Mabuti naman at nagbago na ang isip mo Mad Slime. Hindi ko aakalaing kokontra ka pa sa sinabi ko kanina!" Inis na wika ng nasabing repeater na animo'y gusto nitong i-emphasize ang naging desisyon kanina ng kapwa nito repeater.

Imbes na sagutin nito ang mga sinasabi ng kapwa nito repeater ay mabilis itong humarap kay Li Xiaolong nang mabilis na nagsalita ito.

"Puro lang naman kayo daldal haha... Kung tutuusin ay hindi naman talaga kayo dapat na katakutan. Mga mahihinang nilalang lamang kayo na nagtatago sa maraming mga bilang ninyo!" Seryosong saad ni Li Xiaolong habang kitang-kita na nakangisi si Li Xiaolong sa huli.

Mabilis namang itinaas ni Mad Slime ang kamay nito kay Li Xiaolong at galit itong tumingin rito. Kitang-kita kung paano lumabas ang litid ng ugat nito sa noo na halatang nagagalit na ito sa pinagsasabi ni Li Xiaolong.

"Ginagalit mo talaga ako Little Devil. Kung gayon ay wag mong pagsisisihan ang  maaari kong gawin sa iyo ngayon din sa lugar na ito!" Maanghang na sambit ni Mad Slime habang makikitang umabot na sa sukdulan ang negatibong emosyong nararamdaman nito.

Tiningnan nito ang kasamahan niya at mabilis namang napatango ang mga ito. Nasa lima ang bilang nila habang ang apat naman na mga repeaters din ay abala sa pakikipaglaban sa hari at reyna ng mga Meckon Demons.

Subalit sa ganitong klaseng set up ng senaryo ay talagang mahihinuna na ng lahat na masyadong hindi makatarungan ito para kay Little Devil na siyang ikasisiya naman ng kalaban nito.

Mabilis na ipinawalang bisa ni Li Xiaolong ang kaniyang sariling Asura Art na Triple Body Skill na maaaring ikapahamak niya pa. Masyadong disadvantage niya ito lalo na at sa seryoso maging sa delikadong sitwasyong katulad nito ay hindi siya dapat makampante.

Kitang-kita ni Li Xiaolong kung paanong mabilis siyang inatake ng mga pesteng repeaters sa magkakaibang mga direksyon.

Whoosh! whoosh! whoosh!

Mabilis na nagsagawa ng pambihirang martial arts skill si Li Xiaolong gamit ang hawak nitong  espada na nakuha niya sa mga nakasagupa niyang nilalang noon matapos ng paglalakbay niya.

Art Skill: Air Shield!

Sa isang iglap ay nagliwanag ang espadang hawak-hawak ni Li Xiaolong na siyang mabilis bitong iwinasiwas dahilan upang makabuo ito ng may kalakihang protective shield sa ere .

BANG! BANG! BANG!

Malakas na narinig ni Li Xiaolong ang malalakas na ugong ng salpukan ng mga sandata ng kalaban niya ma gustong pwersahing paslangin si Li Xiaolong gamit ang pisikal na lakas ng mga ito.

TAHH! TAHHH! TAHHHH!

Walang tigil sa kakaatake ang mga repeaters sa ginawang defense skill ni Li Xiaolong gamit ang pambihirang espada nito. Halatang gusto nilang pinsalain si Li Xiaolong kahit na ano man ang mangyari.

"Humanda ka Little Devil! Hindi-hindi ka mapoprotektahan ng bagay na ito sa bagsik na taglay namin!" Malademonyong sambit ng isang lider ng repeate na nakasagupa kanina ni Li Xiaolong habang makikitang galit na galit itong nakatingin sa kaniya na parang gusto na siya nitong  kitlan ng buhay. Hindi siya makakapayag na patuloy na mag-eexist ang isang Little Devil sa mundong ito.

"Tama ka boss, masyado ng mayabang ang isang yan. Dapat na patahimikin ang bubwit na iyan!" Sambit ng isang miyembro ng repeaters na galit na galit rin kay Li Xiaolong.

"Total ay yan naman ang pinili mo Little Devil ay sisiguraduhin naming sa libingan na ang punta mo hehehe!" Sambit ni Mad Slime at mabilis na nagcast ito ng sarili nitong martial arts skill.

Isang nakakapangilabot na ulap ang biglang namuo sa kalangitan. Nanlaki ang mga mata ni Li Xiaolong sa kaniyang sariling nakikita lalo na at hindi sa kaniya pamilyar ang ganitong klaseng senaryo.

He didn't even thought that this was really happening in his life. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit ginagawa ito ng pesteng nilalang na katulad ni Mad Slime.

Pero kung tama ang hinala niya ay magsasagawa ng forbidden martial arts skill ang pesteng repeater katulad ni Mad Slime.

Ang mabilis na paglitaw ng maitim na kaulapan ayon sa nababasa niyang libro sa loob ng Cosmic Dragon Institute ay senyales ito ng negatibong bagay o aparisyon lalo na at nagdudulot ito ng abnormalidad na daloy ng enerhiya sa mundong ito.

Nanlalaki ang mga mata ni Li Xiaolong nang maisip niya ang mga bagay na gustong mangyari ng nilalang na katulad ni Mad Slime. Alam niya na ngayon na nag-aaral pala ng forbidden martial arts si Mad Slime.

Sa una ay alam niyang delikado ang mag-aral ng ganitong mga pambihirang martial arts mapa- skill man o techniques. May maidudulot itong mabuti ngunit karamihan sa gumagamit nito ay napapariwa o magdurusa sa epekto ng paggamit o pagsagawa nito.

Nabalot ng napakaitim na enerhiya si Mad Slime habang mabilis na dumistansya sa kaniya ang mga kasamahan nito na halatang alam na nila ang panganib na dulot ng pagsasagawa ni Mad Slime ng forbidden martial arts technique nito.

Gumapang ang kilabot sa mga mata ni Li Xiaolong nang mapansin ang tila malaking pagbabago sa katauhan ni Mad Slime. Ang mata kasi nito ay sobrang nanlilisik at namumula na kasingtingkad ng kulay ng dugo na nakatingin sa kaniya.

Sa mabilis na pagtama ng espadang hawak ni Mad Slime ay mabilis na sumabog ang air shield ni Li Xiaolong dahilan upang tumilapon ito sa kalupaan.

AHHHHH!

Li Xiaolong screams loudly nang tumusok sa kaniya espadang sandata na kasabay na bumagsak sa pinagbagsakan niya sa lupa. Alam ni Li Xiaolong na hindi ito ang hawak niyang espada kundi espada ng kalaban niya.

Ngayon niya napatunayan na hindi pala ito ordinaryong forbidden martial arts skill kundi mas nakakapanghilakbot ang magagawa nito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now