Chapter 2.9

294 57 7
                                    

Kahit na natatakot ang batang si Li Xiaolong sa mga oras na ito ay tinapangna niya ang loob niya lalo na at ramdam niyang isang Purple Heart Realm Expert ang cultivation level ni Lady Meifen. He didn't want to offend this old lady kahit na gusto siya nitong usisain sa bintang nito.

"Hindi po ako isang espiya ng kalabang sinasabi niyo Lady Meifen. At sino naman ang kalabang tinutukoy mo?! Unang-una ay ramdam ko ang mali sa daloy ng enerhiya mo at isa pa ay may napansin akong marka sa loob ng dantian mo." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong kay Lady Meifen. Hindi niya kailangang magsinungaling para paboran siya ng ginang na nasa harapan niya lamang.

Mabilis na ipinawala ni Lady Meifen ang mga saber sa iba't-ibang parte ng katawan ni Li Xiaolong alinsunod sa narinig niyang sinasabi nito.

"Tama ka sa iyong sinabi Little Devil. Ang pinagtataka ko lamang ay paano mong nahulaan ang bagay na ito. Kung gayon ay isa kang inscriptionists tama ba ko?!" Puno ng gulat at pagkamangha na sambit ni Lady Meifen lalo na sa mga tanong na nasa isip nito.

"Opo Lady Meifen. Tama ka sa iyong sinabi. Isa akong inscriptionists noon pa man. Sa katunayan ay nagbebenta ako ng mga talisman." Seryosong sagot ng batang si Li Xiaolong kay Lady Meifen. Hindi sikreto ang pagiging inscriptionists niya lalo na sa paggawa ng mga Talismans. Sa katunayan ay ipinagmamalaki niya pa ito. Isa din kasi ito sa pinagkukuhanan niya ng salapi noon.

Mabilis na inilabas ni Li Xiaolong ang dalawang talisman sa kaniyang interspatial ring na labis na ikinamangha ni Lady Meifen.

Sa batang edad nito ay meron na itong interspatial ring ngunit alam niyang low grade lamang ito at di naman ganoon kalawak o kalaki ang malalagay rito ni Little Devil. Namangha lamang siya dahil alam niyang nagmula ito sa mahirap na angkan ngunit meron itong possession na ganito pero hindi na rin iyon importante dahil malay niya bang ibinigay ito ng Cosmic Dragon Institute. Halata naman kasing sa loob ng prestirhiyosong paaralan ito namamalagi dahil mayroong logo ng Cosmic Dragon Institute ang kaliwang dibdib ni Little Devil.

Mabilis na ibinigay ni Li Xiaolong ang nasabing Talisman niya kay Lady Meifen.

Ramdam niya ang pagpunta ng maraming mga martial arts experts sa loob ng mismong battle arena. Alam niyang nakikiusyuso na ang mga ito. Isa pa ay alam naman niyang siya ang nanalo sa huling round ng labanang ito.

Nakita niya sa di kalayuan sina Pollux at Adhara na matiim na nakatingin sa gawi niya. Makikita ang pag-aalala sa mukha ng mga ito.

Halatang di sila lumalapit rito at mukhang sa tinging ipinupukol ng mga ito kay Lady Meifen ay parang kilalang-kilala nila ang nasabing ginang.

"Para saan ito Little Devil? Bakit mo ibinigay sa akin?!" Nagtatakang tanong ni Lady Meifen kay Li Xiaolong nang makitang walang pag-aalinlangan itong inabot sa kaniya ang nasabing talisman.

"Isa po iyan sa mga healing talisman na nagawa ko. Hindi ako sigurado kong magagamot nito ang malakas na markang inilagay ng misteryosong kalaban niyo o ng kung sinuman sa loob ng dantian niyo po. Idagdag pang may internal injury kayong hindi magamot-gamot dahil sa naiwang marka. Hindi nga lang ako sigurado kung epektibo ba ito sa naiwang marka sa loob ng dantian niyo Lady Meifen." Seryosong sambit ni Li Xiaolong sa harap ni Lady Meifen. Masasabing hindi man niya sigurado kung gaano kaepektibo ang talismang nagawa niya ngunit naniniwala siyang magagawa niyang nawasan angarkang naiwan ng kung sinuamng nilalang sa ginawa nitong pinsala sa katawan ni Lady Meifen.

Ramdam niyang malakas ang nilalang na may gawa nito kay Lady Meifen at iyon ang sigurado siya.

Nagliwanag naman ang mata ni Lady Meifen dulot ng narinig niyang sinabi ni Little Devil. Parang nabuhayan siya ng loob na subukan ito at alam niyang isang healing talisman nga ito ngunit di nga lang siya maalam sa pagbasa ng mga simbolo na nakaukit sa nasabing dalawang talismans.

Pasikretong nilagyan ng pananggalang ni Lady Meifen ang kinaroroonan nila ni Li Xiaolong kaya walang makakarinig sa kanilang pinag-uusapan sa kasalukuyan ngunit makikita pa rin sila ng karamihan. Ngunit kagaya nga ng ginawa niya ay kasabay rin nito ang kuryusidad ng maraming mga manonood na mga martial arts experts rin.

...

"Sino ang isang batang paslit na iyan at bakit kausap nito si Lady Meifen?!"

"Kung hindi ako nagkakamali ay si Little Devil ito ng Cosmic Dragon Institute.  Mukhang naligaw ata ito rito!"

"Ano'ng naligaw? Nanalo nga ito ng sampong sunod-sunod. Kahit na si Moon Saber ay nagawa nitong natalo eh sunod-sunod itong nanalo noong nakaraang buwan pa."

"Talagang sinwerte lang talaga ito sa kasalukuyan. Alam kong sa una lamang ito magaling!"

Dinig na dinig ni Pollux at Adhara ang pinag-uusapan ng mga pesteng mga martial arts experts at mga pinagsasabi ng mga ito patungkol kay Little Devil. Hindi mapigilang lihim na mainis ang magkambal sa kanilang narinig.

Gustuhin man nilang ipakita at ilantad ang sarili nila ngunit hindi maaari. Ayaw nilang bigyan ng pasakit pa si Little Devil lalo na at mukhang nag-uusap  ito ng masinsinan kay Lady Meifen.

Ang labis na ikinapagtataka nila ay mukhang interesado ang nasabing ginang sa pinag-uusapan nila ni Little Devil. Hanggang tingin at nood lamang sila mula sa pwesto nila. They knew how terror that old lady are.

Maya-maya pa ay isang hindi inaasahang senaryo ang kanilang masasaksihan...

Mabilis na lumagapak at nanlulupasay ang nasabing ginang na si Lady Meifen matapos nitong idikit sa tiyan nito ang dalawang kakaibang talismans sa dantian nito mismo.

Nagtataka ang lahat at mabilis na nagpanic ang lahat dahil sa labis na pag-aalala kay Lady Meifen. Ilang minuto pa ang nagtagal ay mabilis itong bumangon mula sa lupang binagsakan nito na parang normal lamang.

Ang labis na ikinapagtataka nila na siyang ikinagulat nila ay ngumiti pa si Lady Meifen at nag-usap pa ito ng ilang minuto ni Little Devil.

Hindi nila marinig ang pinag-uusapan ng mga ito o kung ano ang mga pinagsasabi ng mga ito. Kitang-kita na nakangiti ang mga ito ng pareho na animo'y close na close ang mga ito.

Naiwan namang puno ng katanungan at pagtataka ang mga isip ng mga saksi sa pangyayaring ito lalo na ang Twin Stars na sina Pollux at Adhara. Ngayon lamang nila nakita ang matandang ginang na si Lady Meifen na ngumit ng abot tenga.

Nabalot ng misteryo ang katauhan ni Li Xiaolong at kung paano nito nagawang makumbinsi ang nasabing ginang.

Labis man silang natakot sa pagtutok ng mga saber sa iba't-ibang parte ng katawan ni Li Xiaolong ay mas nakakagulat pa rin ang huling senaryong nasaksihan nila bago tuluyang nilisan ni Lady Meifen ang loob nng battle arena na ito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon