Chapter 3.8

358 61 3
                                    

Nakita na lamang ni Li Xiaolong ang sarili niyang nasa loob ng lugar na siyang kinaroroonan niya ngayon. Halatang nagulat siya sa kaniyang natuklasan lalo na at nasa isa siyang kakaibang lugar na siyang hindi niya aakalaing mapapadpagld siya.

He is now trapped in this small area where he is right now.  Sinubukan niyang lumipad paitaas ngunit bigo siyang makaalis sa kakaibang lugar na ito.

Sinubukan niya ring gawing atakehin ang tila malakristal na harang ngunit bigo rin siyang magawa ito.

Kaya napagdesisyunan niyang subukan ang kaniyang galing sa pagiging inscriptionists. Sigurado siyang magagawa niyang makalabas ng buhay sa lugar na ito. Hindi niya hahayaan na makulong lamang siya sa maliit na espasyong lugar naito dahil lamang sa pangyayaring hindi niya inaasahang maghahatid sa kaniya sa problemang ito.

Ngunit bago niya pa man magawang atakehin ang nasabing harang ay nakaramdam siya ng panganib sa paligid niya.

Ramdam niyang may buhay na nilalang sa labas ng pinagkakakulungan niya.

Ramdam niya ang unti-unting paglakas ng nasasagap niyang enerhiya mula sa paligid niya.

Hindi kasi niya inaakalang makakakaramdam siya ng ibayong takot mula sa kung sinumang nilalang mula rito ngunit ramdam niyang may mali sa kasalukuyang nangyayari sa lugar na ito.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Naririnig ng batang si Li Xiaolong ang nasabing mga huni ng hangin dahil sa paparating na mga nilalang. Ramdam niyang hindi ordinaryong mga nilalang lamang ang mga ito.

Sa hindi kalayuan mula sa pwesto ni Li Xiaolong ay pansin niyang ang limang nilalang na nakasuot ng kulay itim na robang nakalaylay lalo na't nakalutang ang mga ito sa ere. Hindi makikita ang mukha ng mga ito at tanging ang bibig lamang ang mapapansin sa mga itong tila bumubuka-buka na mahahalatang nag-uusap ang mga ito.

Hindi naman nag-aksayang palampasin ni Li Xiaolong ang pangyayaring ito upang siguraduhing may makukuha siyang mga mahahalagang impormasyong maaari niyang maikonekta kung sino ang mga ito.

"Hindi ko aakalaing ngayon lamang tayo ipinadala ng ating pinuno upang maglakbay sa pipitsuging lugar na ito na sakop ng Dou City!" Sambit ng malumanay na boses sa matinis na pamamaraan. Mahahalatang isa itong babaeng martial arts expert.

"Wag kang mainip paslit, ikaw ang pinakamahina rito ngunit kung makapagreklamo ka ay wagas. Pasalamat ka at hindi kita sinumbong sa mga kalokohan mo!" Sambit ng isang boses ng isang babae. Halatang higit itong malaki ang bulto ng pangangatawan nito kaysa sa ibang kasamahan nito.

"Tama ka sa sinabi mo. Masyadong reklamador ang isang yan. Kanina pa iyan talak ng talak. Sana nga ay iniwan na yan sa paaralan natin. Hindi naman kasi pakikipaglaban lamang ang layunin natin rito kundi marami pa." Sang-ayon naman ng isang boses lalaki na halatang seryoso ito.

"Wag kayong madaldal mga inutil! Mabuti sana kung ligtas ang lugar na ito para makipagtalastasan kayo rito. Alalahanin niyong kailangan nating humalo sa mga estudyanteng baguhan lamang rito. Misyon ang gagampanan natin at hindi isang laro-laro lamang!" Malakas na wika ng isang nilalang na higit na malaki ang bulto ng pangangatawan nito kumpara sa apat na kasamahan nito. Sa unang tingin pa lamang ni Li Xiaolong sa natatanaw niyang pigura nito ay hindi ito gagawa ng mabuti.

Kitang-kita niya kasi kung paano nagsitahimik ang apat na nilalang na siyang kasamahan nito.

"Heh! Alam na namin iyon. No need to remind us. Masyado kang nagmamagaling porket ikaw ang inatasang mamuno sa mahalagang misyon natin. Alalahanin mong mas malakas ako  kumpara sa iyo!" Sambit ng babaeng martial arts expert na animo'y hindi nito matanggap ang pangyayaring sana ay siya mismo ang mangunguna. In the end, she ended up being a number two instead of being a leader herself.

"Pasensyahan na lamang tayo ngunit mukhang sa akin pa rin ang huling halakhak. Over the years, masyado kang umaasa sa natural mong abilidad but now, you are just a pathetic subordinate of mine. Matuto kang rumespeto binibini kung ayaw mong ako mismo ang magtuturo sayo ng leksyon!" Maangas na sambit ng tumatayong lider ng limang nilalang na bumubuo sa grupo ng tila ipinadalang mga bilang ng mga kabataan sa Dou City.

Hindi aakalain ni Li Xiaolong na maririnig at masasaksihan niya ang usapan ng mga nilalang na ito.

Pansin njyang mukhang matalas ang pandama ng nasabing lider ng grupong ito at mukhang tumitingin-tingin ito sa paligid. Walang dudang malakas nga ang isang nilalang na ito kasama pa ang apat nitong kasamahan.

"Umalis na tayo sa lugar na ito. Batid kong oras na upang gawin na natin ang unang hakbang natin alinsunod sa ipinag-uutos sa atin!" Seryosong sambit ng nasabing lider ng kabataan na makikitang gumagawa ito ng pamamaraan upang magawa ang nasabing plano ng mga ito.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Mabilis na sumang-ayon ang apat na kasamahan nito at umalis na ng tuluyan kahit na kitang-kita ni Li Xiaolong na aangal pa sana ang madaldal na batang babae ngunit mabilis siyang siniko ng babaeng martial arts expert na kasama nito.

Nang makaalis na ang mga ito sa lugar na ito ay mabilis na nakalabas si Li Xiaolong matapos niyang matukoy kung paano siya makalabas sa nasabing kakaibang trap na pinagkakakulungan niya kanina.

BANG!

Walang nagawa si Li Xiaolong kundi ang gawin ang dapat niyang gawin upang tukuyan siyang makawala sa maliit na espasyong kumulong sa kaniya.

Ngunit bago pa siya umalis ay mabilis siyang nakaramdam ng kakaiba sa lugar na ito. Kitang-kita niya ang kakaibang kilabot sa buong katawan niya nang mapansin niya ang mga nilalang na nakakulong magpahanggang ngayon sa maliit na espasyo sa iba't-ibang parte ng lugar ba ito.

Ngunit yun lang, isang naagnas na mga bangkay na ang mga ito mapa-martual artists pa ang mga ito o mga iba't-ibang mga halimaw.

Li Xiaolong just sighed for himself. No wonder na hindi talaga magandang puntahan ang lugar na ito dahil puno ng bitag ang kinaroroonan niya.

Pansin niyang wala na rin ang mga mga baging na umatake sa kaniya kanina lamang. Sino ba kasi ang mag-aakalang malakas nga lamang ang maaaring pumunta rito sa lugar na ito.

Walang pag-aalinlangan na umalis na lamang at nilisan ni Li Xiaolong ang lugar na ito habang palaisipan pa rin sa kaniya kung ano ang binabalak ng limang nilalang na tila estudyante rin ang mga ito ngunit hindi taga-Dou City.

Isa pa ang napansin niya ay ang simbolo sa likod ng itim na robang suot ng limang nilalang na nakita niya kani-kanina lamang. Kung hindi siya nagkakamali ay simbolo iyon ng mortal na kaaway ng Wind Fury Kingdom, ang Blood Skull Alliance na nakapasok na ng tuluyan sa lugar na siyang nilalakbayan nila.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon