Chapter 3.10

344 51 3
                                    


Li Xiaolong wishes to have those blood essences. Kumpara sa pamamaraan ng paggawa ng blood essence ng mga tao ay masasabing mas eksperto ang mga uri ng mga demonyo sa pag-extruck ng blood essence for their own means of living.

Alam niyang ganid man pakinggan ngunit mas higit na epektibo ang blood essences na gawa ng mga uri ng demonyo. Although it considered lower than those blood essences demonic beasts can make but they are the most easily made those blood essences processes faster than usual.

Tsing! Tsing! Tsing!

Malalakas na huni ng mga espada at naghahabaang mga kuko ng mga Meckon Demon ang maririnig sa buong kapaligiran sa hindi kalayuan. Walang gustong magpatalo sa labanang ito.

Hindi makapaniwala si Li Xiaolong sa kaniyang mga nalamang mga natural na kakayahan ng mga demonyo katulad ng Meckon Demon na kayang pahabain ang mga kuko ng mga ito na halos sumadsad na sa lupa sa sobrang haba at talim. Those demonic nails could even cut through flesh of any beast or being inferior to them. Kahit nga siguro ang mga malalakas na martial artists ay kayang sugatan ng mga Meckon Demon o kaya ay mawasak ang protective essence na siyang pumoprotekta sa mga ito.

Ganon na lamang ang pagtataka ni Li Xiaolong ng agad na napansin niya ang tatlong shadow figures sa hindi kalayuan na humahangos sa likurang bahagi ng malaking pamamahay o lungga ng mga Meckon Demons na abala sa pagtugis at paglaban sa mga lumapastangan sa tahanan nila sa gitna ng kagubatang ito. Halatang galit na galit ang mga ito habang mabagsik na umatungal ang karamihan sa mga ito habang walang humpay na nilalabanan ang mga dayo sa kinatitirikang lugar ng mismong tirahan nila.

Napangiti na lamang si Li Xiaolong habang nakatingin sa tatlong pigurang tila asong ulol na humahangos sa mismong bagay na gusto niya ring makuha para sa sarili niya.

Mabilis na naglaho ang pigura ni Li Xiaolong sa nasabing kinaroroonan niya.

BANG!

Isang malaking bolang apoy ang mabilis na napansin ng tatlong shadow figures na papunta sa kanila na siyang dahilan upang mapatigil ang mga ito sa kasalukuyang pwesto ng mga ito sa ere ngunit mabilis ring nailagan ng mga ito ang nasabing hindi inaasahang atake mula sa kung sinumang nilalang n may gawa nito.

Kitang-kita kung paano kumunot ang mga noo ng mga ito dahil na rin sa labis na pagtataka. Hindi nila inaasahan siguro ang mabilis na pagkaantala ng pinaplano nilang gagawin.

"Sino ka? Bakit tila humaharang ka sa ginagawa namin?" Sambit ng isang pigura ng tao habang nagsasalita.

Hindi na rin nagtagal at lumitaw ang tatlong pigura ng mga kalalakihan. Base sa ekspresyon ng mga mukha ng mga ito ay hindi natutuwa ang mga ito.

Nakasuot ang tatlong pigura ng kulay puting roba habang kapansin-pansin na mga estudyante din ang mga ito ng Cosmic Dragon Institute ngunit halatang hindi na bago ang mga ito sa nasabing paaralan bagkus ay mga repeater ang mga ito to be exact.

Sinong mag-aakalang ang perpektong pagkakataon at perpektong plano nila ay tila susubukan pang sirain ng kung sinumang nilalang na umatake sa kanila ngayon-ngayon lamang.

Alam nilang hindi isang uri ng eyeless humanoid demon ang may gawa ng atakeng katulad ng bolang apoy na bumubulusok sa kanila dahil hindi marunong ang mga Meckon Demons ng anumang martial arts skills o techniques bagkus ay natural na abilidad lamang ng mga ito ang tanging sandata ng mga ito laban sa kanilang mga kaaway.

Ilang dipa mula sa kinaroroonan nila ay lumuqoitaw ang isang batang pigura na walang iba kundi si Li Xiaolong na nakangiti ng malawak habang nakatingin sa kanilang tatlo.

"Little Devil? Ano'ng ginagawa mo rito? Hmmmp! Hindi ko aakalaing dito pa kita makikita!" Gigil na sambit ng lalaking nasa gitna na siyang nagsalita kanina.

Tumingin-tingin pa ito sa paligid ngunit wala man lang siyang nakitang sinumang kasama ni Little Devil at dito na siya nakapagreyalisa na itong paslit na batang ito na baguhan lamang ang maaaring may gawa ng atakeng iyon na siyang dahilan ng pagkaantala nila.

Bakas sa mukha ng tatlo ang magkahalong inis at galit lalo na sa pagpigil sa kanila ng paslit na batang ito.

"Ano bang dapat kung gawin dito, Mamasyal?  Malamang ay dito ako pumunta. Hindi ko aakalaing andito din kayo haha..." Sarkastikong sambit ni Li Xiaolong habang ngumiti ito ng malawak.

"Hmmp! Little Devil, just you wait at malalaman mo ang hinahanap mo pero wag ngayon maliwanag?!" Inis na wika ng isa pang lalaking repeater na estudyante ng Cosmic Dragon Institute habang makikitang wala itong ganang makipagtalastasan pa sa paslit na bata na higit na nakababata sa kanila.

Ngunit nagulat na lamang sila ng mabilis na naglagablab ang kamay ni Li Xiaolong at binato niya ang dalawang bolang apoy sa mga ito.

BANG!

Sa pangalawang pagkakataon ay nailagan ng mga ito ang pasimpleng atake niya sa tatlong mga repeaters na kapwa-estudyante niya.

"Sino ka upang sabihin sakin ang mga katagang iyan? Hindi ako tanga upang malaman na kayo ang may pakana at nagplano upang paslangin ako hindi ba?!" Seryosong saad ni Li Xiaolong habang mabilis na nagbago ang tono ng pananalita nito mula sa pagiging masayahin ngayon ay parang may gusto itong ipahiwatig sa mga katagang binitawan nito.

Mabilis na naging mabagsik ang ekspresyon ng tatlong repeaters at kitang-kita ang pagkuyom ng kamao ng mga ito sa pinaghalong inis at poot na kanina pa nila ikinukubli.

"Sa ayaw at sa gusto mo Little Devil ay umalis ka sa dinaraanan namin kung ayaw mong magalit kami sa iyo ng tuluyan!" Pagbabantang wika ng lalaking repeater na nakapwesto sa gitna habang matalim itong nakatingin sa direksyon ni Li Xiaolong.

Hindi na rin makapagpigil ang dalawa pang repeaters at mabilis na nagwika ang mga ito.

"Ang tapang mo naman Little Devil. Hindi porket nangunguna ka sa overall ranking noong nakaraang trial ay takot na kaming labanan ka!" Seryosong turan ng lalaking repeater habang makikitang nagtaas na ito ng boses. Para sa kaniya ay lumaki ata ang ulo ng pesteng Little Devil na ito para mangialam sa mga personal na ipinunta nila sa lugar na ito.

"Hahaha... Sadyang umaasa ka lamang sa previlage ng  Cosmic Dragon Institute kaya sobrang tapang mo!" Inis na sambit ng isa pang lalaking repeater habang natatawa-tawa pa ito habang nagsasalita ito.

Palipat-lipat ang tingin ni Li Xiaolong sa tatlong repeaters habang makikitang gusto siyang iback-down ng mga ito sa maaaring pagkaantala pa ng kanilang pinaplano. Papayag ba siyang lamangan at gulangan siya ng mga ito? Malamang ay hindi siya papayag. 

Hindi siya tanga upang magpaapi lamang at maging sunod-sunuran sa mga ito noh.

"At bakit ko naman susundin ang sinasabi niyo? Ano ako tanga? Kung talagang malakas kayo, bakit hindi niyo gawin ngayon upang magkasubukan tayo ng lakas?! Mapanghamong sambit ni Li Xiaolong habang nakapaskil ang malademonyong ngisi nito sa kaniyang mga labi.

Tinapatan niya ang masamang  tinging ipinupukol sa kaniya ng mga hambog na mga repeaters ng Cosmic Dragon Institute.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now